Mag-ama, Natagpuan na Madalas Matulog sa Kalsada Dahil Walang Mauwian. Nangangailangan ng Tulong!


Ayon sa ibinahagi ng Dagupan Today Facebook Page, nananawagan umano ng tulong ang isang concerned netizen na si Reymark Ogaya Alano para sa mag-ama na nakita niya. Madalas umanong sa kalsada lamang natutulog ang mag-ama dahil wala daw silang mauwian dahil ayon sa ama ay iniwan sila ng kanyang asawa.




Ang anak niya ay isang taon pa lamang. Tubig lang umano ang pinapaded3 nito dahil walang kakayahan ang tatay na bata na bumili ng gatas.

Dahil walang cellphone ang ama ay sinabi ng isa pang concerned netizen na si Kristel Fabilane Redoblado na maaari siyang tawagan sa kanyang cellphone number para sa mga nais mag-abot ng tulong.



Narito naman ang post na ibinahagi ng Dagupan Today:

"Sa may mabubuting puso diyan, sana matulungan po niyo si tatay (taga Urdaneta Pangasinan) at ang kanyang anak na isang taon pa lang. Wala po silang inuuwian, madalas sa kalsada lang sila natutulog dahil iniwan daw sila ng kanyang asawa... Tingnan ninyo dahil sobrang nakakaawa tubig lang yung dinedede ng bata. Please sa may mabuting puso, si Lord na bahalang magbalik kung ano man yung pwede niyo pong maitulong."





Ang pakiusap ni Reymark Ogaya Alano, taga Navotas.
Kasalukuyang nasa isang bahay ng isang mabuting lalake sa Gatchalian 1, ParaƱaque, ang mag-ama.
Ayon din kay Kristel Fabilane Redoblado, isa sa mga nag-abot ng tulong, ay pwedeng makausap si tayay sa pamamagitan ng kanyang cellphone number 09615554360.



No comments