Mystica, May Mensahe kay Angel Locsin: "Wala kang utak. Wala ka nun!"




Binatikos ng singer-comedian na si Mystica ang aktres na si Angel Locsin dahil sa ginawa nitong community pantry kamakailan. Kasabay ng pagdiwang ng ika-36 na kaarawan ni Angel Locsin ay gumawa siya ng community pantry sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City. Dahilan ito ng pagdagsa at nawalan ng kontrol ng pagpunta ng mga tao. Hindi na rin nasunod ang ilang safety protocols na mahigpit na ipinapatupad gaya ng social distancing dahil dikit-dikit na ang mga tao.




Naging dahilan din umano ang community pantry ni Angel Locsin sa pagkawala ng isang matandang lalaki. Dahil sa kainitan at mahabang pila sa naturang community pantry ay inatake sa puso ang matanda at binawian ng buhay.

Marami naman ang nagtatanggol kay Angel dahil ang nais lamang umano ng aktres ay magbahagi ng tulong sa kapwa at hindi naman niya ginustong malabag ang ilang safety protocols at pagkasÄwi ng matanda.




Nauna ng nagbigay ng pahayag si Angel Locsin sa kanyang social media accounts na humihingi siya ng paumanhin dahil sa nangyaring insidente. Hindi niya daw nais ang nangyari dahil ang layunin lamang niya ay makatulong sa mga tao.

Sa isang video na kumakalat sa social media ay binatikos naman ni Mystica ang aktres. "Ang kapalit ng gulay, buhay. Kung 'di ba naman kagag*han 'yun. I am not against the others na gumagawa ng ganun. Pero ito, totally different story. Magbubuwis ng buhay eh. May tao na talagang nag-suffer."

"Para kay Mystica ay pagpapasikat lamang diumano ang ginawa ni Angel, "Ang ginawa mo lang is mgapasikat. Tumawag ka pa ng media tapas caught in the act ka pa. Nakita sa Facebook at Youtube na nag-aabot ka sa press people. There you go, di ba publicity? My goodness! 'Wag niyo sabihin na mas magaling pa kayo sa gimik. Ako, sumikat ako kasi pinaandar ko ang pera ko noon at isa ako sa pinakakontrobersyal noon. Ang I know kung paano ang lakad ng showbiz. Pera lang 'yan, istant ka. kaya nga sumikat agad, 'di ba?"




Ang tinutukoy umano ni Mystica ay ang video kung saan nakuhanan ang pag-abot umano ng pera ni Angel sa isang tao na nakasuot ng ID ng GMA. Nilanaw naman agad ito ng GMA Network, hindi umano nila empleyado ang nasabing lalaki. Ito daw ay dating make-up artist ni Angel noong artista pa siya ng GMA.

"I know your hidden agenda. I'm talking because I'm expert here. Ako ang number one diyan."

"It will be exposed, ang mga kagag*han, katar*ntaduhan at kasinungalingan at pagbabalat-kayo niyo. At tama nga naman dahil wala kang emosyon kung mamam@tay mga tao doon dahil sa pagpapasikat mo. Inisip mo ba na baka si lolo, lola, mamam@tay kakapila dyan? Kasagsagan ng tanghali, kasagsagan ng init ng panahon. Kasagsagan ng C0VID-19.



"Paiyak-iyak ka pa at sorry kunwari. Puny3t* ka! Sana iniisip mo 'yung tao. Wala kang utak. Wala ka nun. Akala ko pa naman may utak ka."

"Ang Diyos kaya niya i-provide lahat pero si S@tanas nagpapanggap na kaya niya gawin lahat, kaya niya tulungan lahat at isa ka na dun! Para kang si S@tanas, nagbabalat-kayo!

7 comments:

  1. Papansin k nman masyado..khit cno ndi nla gnustong may mamatay

    ReplyDelete
  2. Hindi nmn ksalanan ni angel ang nanyari sa matanda tumutulong siya kpwa nya!!!bkit nmn po gnyan kyo magsalita ky angel locsin eh buti nga siya my tinutulongan kya dinadayo siya ng mga tao kya nag viral at sikat ang pagtulong nya sa iba eh kyo po miss mystica my natulongan na po ba kayo tulad ng sakay angel???

    ReplyDelete
  3. Grabi kayo kng magsalita wala nmn kayo my gnagawa para sa ikabubute ng maraming naghihirap

    ReplyDelete
  4. hHow can u be so MEAN to Ms. Angel Locsin???
    Kahit saang AYUDA... people are rushing through dahil sa matindinding pangangailangan... pumipila ng npakahaba.. ng kung ilang oras at matiyagang kung saan saan lupalop nkakarating magkaron lng ng pantawid gutom... WHAT A JUDGEMENTAL and a WORST MOUTH to say na ang gumagawa ng mabuti sa kapwa ay MASAMA and even call her a SATAN... Angel Locsin is CONSISTENT even at the start of pandemic... She has the to help others.. despite the danger of going outside, na maari rin syan makakuha ng sakit sa ginagawa nya.. just to extend help.. gusto magpasikat??? Well Angel Locsin is already an ICON di na nya kailangan gawin yan... para makuha ng pansin,
    Ano ba mas maganda? Mapansin ung good deeds ung tipo ng mga salita mu na nkakadegrade ng pagkatao..
    ATTENTION SEEKER

    ReplyDelete
  5. Kababaang loob lng ang pinakita ni Angel Locsin.. sa pagluha, at paghingi ng kapatawaran even though wala nmn may gusto ng pangyayari... meron taung GUT INSTINCT at nararamdaman ko na totoo ang mga luha at sinasabi nya😊

    ReplyDelete
  6. Grabee ka mystica. Ikaw ano ba nagawa mo. At wag mo sisihin si Ms. Angel Locsin sa Lahat Ng sakuna anjan siya sa lahat natulong. May camera man o Wala.. Kaya wag sisihin Kay Ms. Angel Locsin ang nangyare.. walang may gusto nun..

    ReplyDelete