Naantig ang Puso ng mga Netizen dahil sa Kasipagan ng Batang ito!



Marami sa atin ang bata pa lang ay sinusubok na ng hirap ng buhay. Kung minsan ay ang mga anak ang nagsisilbing katuwang ng kanilang mga magulabng kahit na sila ay nasa murang edad pa lamang.

Gaya na lamang ng ibinahagi sa social media ni Connie B. Sotomayor-Davila. Kwento niya ay madalas niyang nakakasabay sa pampasaherong dyip ang batang lalaki na si Leo Rafael o "Rafraf" tuwing siya ay papauwi na ng Gumaca galing Atimonan. Matyaga umanong  nagtitinda si Rafraf ng mga gulat at mga halaman.




Si Rafraf ay naghahanapbuhay na sa edad murang edad pa lamang. Labing-dalawang taong pa lamang umano si Rafraf at hindi alintana sa kanyan ang pånganib na maaari niyang kaharapin lalo na ngayong panahon ng pandemyå.

Wala na din magawa dahil naging katuwang na siya ng kanyang ama at inaasahan na makakatulong sa paghahanap buhay. Ang kanyang ama ay taga-tabas mga gulat at mga halaman samantalang siya ay taga-lako ng mga ito. Habang sila ay naghahanapbuhay ay ang kanyang ina naman ay nag-aalaga ng mga nakakabata niyang mga kapatid.





Base sa kwento ni Rafraf kay Connie ay inaasahan siya ng kanyang pamilya sa pangbili ng pagkain at nag-iipon pa ito para sa pangbili ng gam0t ng kanyang kapatid na may karamdaman. Sa tuwing wala siyang benta ay wala silang pangbili ng bigas kaya naglalakad na lamang ito kapag siya ay uuwi na.


Dahil dito ay lubos na humanga si Connie sa kanyang dedikasyon at sipag sa buhay. Nang ibahagi niya ang sitwasyon ng bata ay marami ang nag-abot ng tulong sa pamilya ni Rafraf na naging malaking tulong sa kanila.

Sa murang edad ay nararanasan na ni Rafraf ang kahirapan kaya naman isa siyang inspirasyon sa mga kabataan na maswerteng hindi na kailangan magbanat ng buto para makaraos sa buhay.

No comments