Pulis na Isang Cofee-Lover, 'Coffee Pantry' Naman Ang Ibinahagi Para sa Kanyang Mga Ka-Barangay!



Simula nang mag-viral ang 'Maginhawa Community Pantry' ay sunod-sunod na ang pag-usbong ng iba't ibang 'community pantry' sa bansa. Naging inspirasyon sa karamihan ang naunang community pantry na inilunsad sa isang barangay sa Quezon City. Mababalitaan na maraming nagkalat sa iba't ibang barangay o lugar na mayroon ng 'community pantry'.




Ibang diskarte naman ang naisip ng pulis na si Patrolman Mark Aleph Meceres para makatulong sa kanyang mga ka-barangay. Dahil mahilig at isang cofee-lover si Meceres ay ibinahagi niya sa Barangay Santo Cristo, Tabaco City, Albay ang iba't ibang klase ng kape dahil naging hobby na din niya ang paghahanda ng brewed cofee.

Bahagi rin daw ito ng programa ng Albay Provincial Police Office na Modern day Barangayan at Bayanihan.


< br/>

May mga lokal na kape rin silang ginagamit sa kanilang pantry. Bukas din daw sila sa mga gustong magpamahagi ng tulong o donasyon.

Sadyang nakakatuwa ang pagiging matulungin ng mga Pilipino sa kanilang kapwa. Sa panahon ngayon ng pand3mya ay makikitang nagtutulungan ang bawat isa sa atin. Sana ay marami pa ang ma-inspire na gumawa ng 'community pantry' upang maging bukas ang pagtulong sa mga nangangailangan.




Lagi lamang pakakatandaan ang katagang "Magbigay ng ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan."

Narito naman ang ilang komento ng netizen:

"Tulong tulong nalang talaga tayong mga mahihirap kaysa sa umasa sa ayuda ng gobyerno. God bless po sating lahat malalampasan din natin to magtiwala Lang po Tayo Kay GOD"




"Good job..yan the best tumulong sa kapwa na walang kapalit."

"Very good! Nd man ganun kayaman pero bukas ang loob pra mkatulong sa kapwa,,,sana ung mga mayyaman na pulitiko magkaroon din ng kusa pra mkatulong sa kapwa ...maliit man o malaki npakalaking tulong"

"Bayanihan spirit.....kahit anong lahi panindigan estado walang pinipili"

No comments