Rider, Na-delay ang Kanyang Pagdeliver Dahil Hinablot Umano ang Kanyang Cellphone na Gamit Niya sa Kanyang Trabaho!


Isa sa pinakamalaking bagay na kinakailangan ng isang rider bukod sa motorsiklo ay ang cellphone, kung saan makikita ang application ng kanilang kumpanya ng mga Food Deliveries gaya ng Grab, Food Panda at iba pa.

Kung walang cellphone ang isang rider ay hindi siya makakatanggap ng bookings, hindi din niya makukuha ang ilang impormasyon ng customer at higit sa lahat ay hindi siya makakapasok bilang isang rider dahil ito ang pangunahing kailangan nila.




Isang rider naman ang na-delay sa kanyang pagdeliver dahil hinablot umano ng kawåtan ang kanyang cellphone habang hinahanap ang delivery point ng customer. Nawalan siya ng pang tawag sa customer kaya nahirapan itong mahanap kung nasaan ang kanyang customer.

Hindi napigilan na maiyak ang rider dahil hindi pa daw tapos hulugan ang kanyang cellphone sa home credit. May nasama pa daw na kaunting ipon na nakasiksik sa kanyang cellphone. Hindi na din niya alam kung paano siya makakanap ng trabaho dahil ang pangunahing kailangan bilang isang rider na cellphone ay nawalan na siya.





Narito naman ang post ng facebook page ng Sigaw ng Bataan:

"PASENSYA NA PO SA DELAY

Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.
 

Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhilugan pa nya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case . Hindi din nya alam ngayon kung pano sya mag tatrabaho dahil nawalan sya ng pang hanap buhay na Cellphone.
 
Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw."



No comments