Lalaking may Kakaibang Itsura, Nakatagpo pa Rin ng babaeng Magmamahal at Tatanggap sa Kanya!



Totoo ang ang kasabihan na ang pag-ibig ay sadyang bulag. Malalaman mo ang tunay na pag-ibig na hindi bumabase sa edad, panglabas na anyo o antas sa buhay, kundi mararamdaman mo na lamang ito. Para bang may mga paru-paro na nagliliparan sa tiyan at palaging may ngiti sa mga labi, yan ang ilan sa mga basehan na nakakaramdam na ang isang tao ng pagmamahal.




Hindi lamang ang mga magaganda ang kayang tanggapin ng isang tao sa kanyang minamahal kundi pati ang mga hindi magaganda gaya ng pang labas na itsura o kaugalian. Lahat ng tao ay may karapatan na magmahal at mahalin.

Isang halimbawa na lamang dito ang lalaki na isang skateboarder na may kakaibang itsura. Nakatagpo siya ng babae na tatanggap at magmamahal sa kanya ng totoo. Ang dalawang nag-iibigan na ito ay mula sa Cebu City.




Nag-viral at naging usap-usapan ang kwento ng dalawa. Bagamat may mga tao na nangungutya at hindi makapaniwala sa kanilang pagmamahalan, hindi ito naging hadlang sa kanila upang huminto dahil tila mas naging matatag ang kanilang pagmamahalan.

Si Zingzong ay kilala sa kanilang lugar dahil sa angkin nitong talento at kahusayan sa pag skateboarding. Mayroon siyang karamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa din mapaliwanag, una nang naapektuhan dito ay ang kanyang mukha at hindi rin maayos na na-develop ang ilang bahagi ng kanyang katawan dahil dito.




Ngunit, hindi ito naging hadlang sa kanya dahil taas noo niyang ipinagmalaki ang larawan ng kanyang pamilya sa Instagram kasama ang kanyang mag-ina. Mayroon itong caption na "family picture".

Talaga namang nakakataba ng puso at nakakapagbigay ng positibong pananaw ang ganitong klase ng kwentong pagmamahalan.

No comments