Walang Babayaran Kahit Piso ang Ilang Mahihirap na Tinulungan ng Isang Organisasyon!
Masarap sa pakiramdam ang nakakatulong sa kapwa. Lalo na sa panahon ngayon ng pandemyƄ, na dapat ay ang bawat isa sa atin ay nagtutulungan dahil walang ibang tutulong sa atin kundi ang bawat isa lamang.
Isang organisasyon naman ang tumulong sa ilang mga kababayan natin na kapos sa buhay. Layunin nila na magbigay ng libreng groceries. Tila naging 'shop all you can' ang tindahan na wala kang ilalabas na pera kahit na piso dahil lahat ng makukuha rito ay libre.
Talagang umaapaw ang kasiyahan ng puso ni Lovely Sotto sa ibinahagi niyang larawan. Proyekto ito ng isang organisasyon sa Las PiƱas na umani naman ng papuri sa mga netizens noong nakaraan Biyernes.
"Nakakatuwa yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila "Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba," kuwento ni Lovely sa isang FB post.
"Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun," dagdag ni Lovely.
No comments