Watch | Isang Grupo ng mga Babae, Sinimot ang Laman ng Isang Community Pantry!


Nahuli sa CCTV ang isang grupo ng mga babae na sinimot ang laman ng isang community pantry, kabilang na ang dalawang tray ng itlog, sa Brgy Kapitolyo, Pasig City. Mapapansin sa video na puno ng laman ang lamesa ng iba't ibang uri ng pagkain nang dumating ang grupo ng kababaihan na may dala-dalang ecobag.


Makikita din sa video na pinalibutan ng anim na babae ang lamesa at kanya-kanya ng dampot ang mga ito ng mga pagkain. Sa CCTV Footage ay makikita din na may isang babae na may dala-dalang dalawang tray ng itlog galing sa lamesa. Saglit lamang ay naubos din ang laman ng lamesa.

"Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, 'Ibibigay na lang po namin 'to sa mga kapitbahay namin.' Sabi ko sa kanila, 'puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n'yo," pahayag ni community pantry organizer Carla Quiogue tungkol sa insidente.


"Wala na silang itinira eh," ani Carla Quiogue, na siyang nagtayo ng nasabing community panty. "Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan," sabi ni Quiogue

Maraming netizen naman ang nadismaya sa mga grupo ng kababaihan dahil sa ginawa nila. Narito naman ang ilang komento ng mga netizen:

"Sana kinuha nyo na pati carton at mesa. Nahiya pa kayo. Tas magtenda na kayo ng lecheflan kahiya dina iniisp yung ibang nangangailangan."

"Di nyo na dapat tinakpan yung muka. Akala ko ba wala kayong kinikilingan, walang pinoprotektahan? Yung mga ganyang tao di na dapat binibigyan ng kahihiyan."


"Kinuha nyo na sana ung lamesa at payong pati ung mga halaman..kapal ng mukha ng mga to."

"Nakakalungkot minsan ang ugali ng iba saatin mga pinoy. Makasarili at hindi marunong mag isip sa ibang taong nangangailangan din.sana kahit tayo walang wala matuto tayong magshare sa kapwa at mahiya hindi yon swapang na pag uugali ang mangibabaw."

"Di po talaga maiiwasan yan, hindi po lahat ng tao may magandang kalooban. Kaya ipag pasaDyos nalang po natin sila."

2 comments:

  1. Mga gago kayo lalona sa kumoha ng video

    ReplyDelete
  2. Kung makikita nyo mga chobuy ibig sabihin may mga bisyo ang Grupo na ito may mga bisyong kumain ng kumain in othere words MATATAKAW pag pasensya han nyo na hindi maiwasan at hindi natin alam ang dahilan sa panahon ng crisis Kaya cguro nagawa nila! ngunit hindi dapat at kita kitang sinadya! ANG MASASABI KO LANG HUWAG TULARAN AT HINDI MAGANDANG HALIMBAWA SA MATA NG TAONG BAYAN! Gaano man kahirap ang sitwasyon Huwag manlalamang sa kapwa hindi lang kayo ang nahihirapan lahat tayo! Please Share the blessings.

    ReplyDelete