Watch | Isang Lalaki na Kakatapos Lang Maipasa ang 'Driver's Test', Nailaglag ang Kanyang Bagong Sasakyan sa Ilog!



Lubos ang ligaya ng isang lalaki matapos niyang maipasa ang 'driver's test'. Nang mabalitaaan ito ng kanyang mga kaibigan ay masaya nila binati ang kanilang kaibigan. Ngunit, habang nagbabasa ng mensahe ang lalaki na kinilalang si Zhang ay bigla na lamang nitong naihulog ang bagong sasakyan niya na minamaneho nang mga oras na 'yon.




Makikita sa video an makipot ang daanan at walang mga harang sagilid ng tulay kaya naman nalaglag agad ito. Nagmamaneho noon si Zhang sa Meitan sa Zunyi, probinsya ng Guizhou sa Katimugang bahagi ng China.

Ayon kay Zhang, habang siya ay nag-cecellphone at nagbabasa ng mga mensahe sa kanya ay hindi niya namalayan na may nakasalubong siyang mga tao kaya agd-agad niyang iniliko pakiliwa ang manobela  na naging sanhi ng kanyang pagkahulog sa ilog.




"While I was driving, I tried to grap my phone and read some messages while two people were in front of me on the bridge. I became nervous ang turned left suddenly," pahayag ni Zhang.

"Luckily the car floated for a while. I couldn't open the driver's door: so, I had to kick open the door on the other side. Otherwise, I may never have got out as my hand was dislocated in the chaos," dagdag pa niya. 


No comments