Watch | Video ng Isang Anak na Nagpapaligo sa Ama, Naantig ang Pus0 ng mga Netizens!



Hindi lamang sa pagpapalaki natatapos ang pagiging magulang ng isang ina at ama. Simula sa sanggol pa lamang tayo, natutong maglakad, nakapag-aral at nakapagtapos ng pag-aaral at hanggang sa magkatrabaho at magkaroon na tayo ng sariling pamilya ay nananatili pa din na sila ay ating magulang. Ang pagiging magulang ay lubhang mahirap at halos lahat ng tao ay nararanasan at makakaranas nito.




Isang video naman ang kinaantigan ng mga pus0 ng mga netizens. Sa isang facebook page ng OFW Probinsyano, PROUD Ako ay ibinahagi nito ang video ng isang anak na nagpapaligo sa kanyang ama na may edad na.

Ayon sa caption ng nasabing page ay ganito dapat tayong mga anak sa ating mga magulang. Makikita sa video na habang nakaupo ang kanyang ama ay pinapaliguan siya ng kanyang anak. Sa paraang ito ay tila nasusuklian natin sila sa pagpapaligo sa atin noong tayo ay maliit pa lamang.




"Di pa sapat ang pag alaga namin sa inyo tatay ko di kami makakabayad nang kahit anong gawin namin. Gusto kong alagaan kita hanggang sa anong makaya ko hanggang dito pa ako tatay ko. I love you so much,"
 ayon naman sa facebook post ni Alex A. Dumaplin.

"Ang masakit lang isipin si mama ay pumanaw lang nadi man lang nagpaalam ni isang salita diman lang kami Naka alaga sa inyo ni isang araw manlang subrang sakit,"dagdag pa nito.




Ang pag-aalaga sa ating magulang ay isang malaking bagay na para sa kanila. Kapag sila ay nasa punto na nagkaedad na ay ito naman ang ating oras para bumawi sa mga sakripisyo nila para sa atin.



No comments