111-Anyos na Centenarian, Kasalukuyang Hindi Pa Nakakatanggap ng P100,000 Magmula Nang Siya ay Umabot ng 100-Taon!



Ayon sa Republic Act No. 10898, ang sino mang Pilipino na aabot sa edad na isang daang tao ay mabibigyan ng cash gift na nagkakahalagang P100,000. Ngunit may ilan pa din sa ating mga kababayan ang hindi pa nakakatanggap ng nasabing cash gift. Katulad na lamang ni Lola Juana Pulga na magdiriwang ng kanyang ika-111 kaarawan sa darating na Mayo 20.




Nananawagan ang kanyang apo na si Kathlyn Acudesin na matulungan ang kanyang lola na makuha na ang centenarian gift dahil ilang taon na din ang nakakalipas magmula nang siya ay mag-100 taong gulang.

Nakatira umano si Lola Juana sa San Jose Del Monte, Bulacan. Nasa pamamalagi ng kanyang anak na si Danilo Pulga ang naturang centenarian. Humihingi siya ng tulong na makuha ang pera upang maipangbbili sana ng mga gam0t at prutas ni Lola Juana.




"Magandang Araw po sa inyong Lahat Humihingi po Sana ako ng konteng Tulong para po sa Aking Lola na si Juana Pulga Kasalukuyan po siyang Nakatira sa kanyang Anak na Si Danilo Pulga na Nakatira po Sa BLK 60 LOT 14 BB-3 SAN JOSE DEL MONTE BULACAN. Ang Lola ko po ay isang Centenaryan Ang kanya pong Edad Ay 111 po ngayong Darating Na Mayo 20 ,2021.




"Kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po . Maraming Salamat at Godbless po Contact Number: 09530663160 Pashare Naman po Ng Post ko Salamat po"

Sana ay mabigyan ng pansin ang panawagan na ito para kay Lola Juana. Paki-share po ang naturang post upang maipabot ito sa lokal na pamahalaan dahil kinakailngan din ni Lola ng pinansyal na suporta upang mas humaba pa ang kanyang buhay.



No comments