Anak na Nakapagtapos sa Kanyang Pag-aaral, Lumuhod ay Yumuko sa Harap ng Kanyang Ama Bilang Pagbibigay-Pugay sa Ginawa Nito Para sa Kanya!



Ang pagiging magulang ay hindi madali dahil marami ang pagdadaanang mga pagsubok lalo na sa pagpapalaki ng mga anak. Sipag, tiyaga at diskarte lamang ang ilang sandatå ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak dahil kung wala nito ay imposibleng mangyari ang mga posible. Bukod pa rito ay kinakailangan din ng matinding pananampalataya sa Maykapal upang gabayan tao sa mga hamon sa buhay.




Pinatunayan naman ito ng mga magulang ni Mohamad Risky Saputra, 19-anyos na nakatira sa Palu, Central Sulawesi, Indonesia. Si Mohamad ay nagmula sa pamilya na salat sa buhay ngunit hindi ito naging dahilan upang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Ang kanyang ama ay isang street foods vendor sa kanilang lugar at ito ang kanyang ikinabubuhay at ito rin ang dahilan kung bakit nakatapos ng pag-aaral si Mohamad. Ang kanyang ina naman ay tumutulong sa mister nito.





Dahil sa mga magulang ni Mohamad at sa kanyang pagsusumikap sa pag-aaral ay nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Sa ngayon ay isa nang Trainee sa Police Training Centre si Mohamad. Sa larawan ay makikita naman ang pagluhod ni Mohamad sa harap ng kanyang ama at yumuko bilang pagpupugay sa sakripisyo na ibinigay nito para sa kanya.



Ang pag-aabot ng pangarap ay kinakailangan ng determinasyon at pagsusumikap. Sa tulong ng pagmamahal ng mga magulang ni Mohamad ay natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap. Nawa ay magsilbi itong inspirasyon sa marami lalo na sa mga kabataan ngayon na lumilihis na ng landas. Magpatuloy lamang sa buhay kahit na mahiråp dahil sa huli, makakamit mo rin ang iyong matagaal na pinapangarap.

No comments