Dalawang Delivery Rider, Tinulungang Makaakyat sa Matarik na Daan ang Isang 'Padyak' o Pedicab Rider!



Sa patuloy na pagdami at paglobo ng bilang ng mga nagkakaroon ng v1rus na C0VID-19 ay patuloy rin ang mas lalong paghihirÄrap ng mga Pilipino. Nakakalungkot isipin na mahigit isang taon na simula nang pumasok sa ating bansa ang pand3mya. Marami ang lubos na naaapektuhan kabilang na ang mga negosyo noon na nagsarado na ngayon, ang dating may mga trabaho ay natanggal na at ang mga kababayan natin na noon ay mahihirÄp ay mas lalong naghirÄp ngayon.




Ngunit dahil sa kaugalian ng mga Pinoy na pagiging matulungin sa kapwa ay patuloy pa rin ang marami sa atin na lumalaban sa hamon ng buhay.

Ang pagtutulungan o ang pagbabayanihan ay isa sa mga susi upang mas tumibay ang paglaban sa hamon ng buhay ng mga Pilipino katulad na laman ng ginawa ng dalawang delivery rider na tumulong sa isang 'padyak' o pedicab rider na maka-akyat sa matarik na daan.





Ang dalawang delivery rider ay sabay na tinulak paakyat ang pedicab gamit ang magkasabay nilang pwersa.

Ibinahagi ng netizen na si Alvin Gumobao ang video kung saan makikita ang nakakamanghang pagtulong ng dalawang delivery rider sa isang matandang pedicab rider na makaakyat sa matarik na daan sa Mastersons Avenue.



Nakakatuwang isipin na hindi maiaalis sa pus0 ng mga Pilipo ang pagiging matulungin sa bawat isa. Isang inspirasyon ito sa mga Pilipino na kahit anong bigat o hirap ng mga hamon o pagsubok sa buhay ay may mga tao pa rin na handang tumulong sa atin. Kaya huwag basta-bastang susuko bagkus ay patuloy lamang sa buhay.



No comments