Dalawang Palaboy na Magkapatid, Pinabayaan na Lamang ng mga Magulang!



Nakakalungkot ang makakita ng mga batang palaboy dahil sa kapabayaan ng mga magulang. Marami sa ating mga kababayan ang hindi nag-fafamily planning at kadalasan sa kanila ay ang mga salat sa buhay at mga walang trabaho na napagkakaabalahan. Hindi na rin nila iniisip ang kapakanan at ang magiging kinabukasan ng anak nila dahil ang mahalaga lamang sa kanila ay ang makaraos at makaramdam ng ligaya sa ilang minuto.




Isang larawan ang lubhang nakakahabag ng damdamin, umiiyak ang batang lalaki habang buhat ang kapatid na walang suot ng damit. Wala rin sila kasamang matanda o magulang at wala ring sapin ang mga paa.

Madumi at tila walang nag-aalaga sa magkapatid. Lubos na nakakaawa ang sitwasyon ng dalawang ito. Dahil sa kapabayaan ng mga magulang ay naging palaboy na lamang sila. Hindi na din inisip ng kanilang mga magulang kung nakakain na ba sila.





Hindi ligtas para sa mga bata gaya nila ang manatili sa kalsada. Isa itong paalala sa mga magulang na kung hindi kayang magpalaki ng anak ay huwag na sanang mag-anak pa dahil sa huli ay ang mga bata lamang ang magdudusÄ at mahihirapÄn.

"Yan ang dapat malaman ng mga tao...huwag mag anak kung hindi nila kayang buhayin mga anak nila..dapat nakahanda silang mag sacrifice , alalayan, pag aralin nila mga anak nila para kahit mamatay mga nag luwal sa kanila e marunong tumayo ang tao sa buhay niya na hindi umaasa kahit kanino...lessons learned!" ayon sa isang komento ng netizen.




Narito naman ang kabuuang post ng Heaven Elemements facebook page:

"pinaka worst na nkita mo sa fb,,, d aq na iyak sa mga pinap@tay ,,mas naiiyak aq dito,,Mga bata na walng kasalann pero nag durusa dahil sa kapabayaan ng magulang ,, gusto mo tumulong pero wala ka mgawa para tulungan sila"



No comments