Dalawang Pulis, Hindi Nagdalawang-isip na Tulungan ang Isang Babae na Nasiraån ng Tricycle sa Daan!



Tunay ngang tapat ang serbisyo ng ating mga kapulisan. Bukod sa pagpapanatili ng kaligtasan sa atin ay handa pa silang tumulong sa mga kababayan. Nakakalungkot man na may ilan sa kanila ang hindi ginagawa ang tungkulin sa bayan at kung minsan ay sila pa ang nagdudulot ng peligr0 sa mga tao, marami pa rin sa kanila ang may mabubuti ang kalo0ban.




Tulad na lamang ng dalawang kapulisan na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang babae na nasiraån ng tricycle sa daan. Ayon sa post ng Heaven Elements facebook page, nadaanan ng dalawang pulis ang tricycle na sumadsåd sa gilid ng kalsada at nasiråan.

Tinulungan ng dalawang pulis ang babae na isang principal ng school. Ang dalawang pulis pa mismo ang bumili ng wheel bearing upang maayos nila ito.





Laking pasasalamat naman ng principal ang ginawang kabayanihan ng dalawang pulis para sa kanya. Dahil dito, binigyan niya ng pera pangbayad ang dalawang pulis ngunit tinanggihan nila at ito at hindi tinanggap.

Kinilala ang dalawang pulis na sina SPO3 Tabelisma at SPO1 tablarin ng San Clemente Tarlac. Maraming netizen ang sumaludo sa ginawang kabayanihan nila. Sana ay marami pa ang kagaya nila na handang tumulong sa iba.

Narito naman ang naturang post na ibinahagi ng Heaven Elements noong Mayo 25:




"Guys! pasikatin natin ang dalawang pulis na'to.. nadaanan po nila ang tricycle na ito na sumadsad sa gilid at nasiraan, tinulungan po nila itong school principal na babaeng nagmamaneho, inayos po nila at sila pa mismo ang bumili sa bayan ng wheel bearing para maayos ito, laking pasasalamat ni mam sa mga pulis dahil sa dami ng dumaan ang mga pulis lang ang tumulong sa kanya, binigyan sila ng pambayad dun sa pag gawa at pinambili ng parts pero di tinanggap ng mga pulis na ito dahil hangad nila ang tumulong ng walang kapalit at maglingkod sa bayan.. saludo kami sa inyo sir SPO3 Tabelisma at SPO1 tablarin ng San Clemente Tarlac"



No comments