Dating OFW, May Malubhang Karamdaman at Hindi Malaman ang Sanhi; Nangangailangan ng Tulong!



Isang concerned netizen ang nagbahagi ng larawan na nagpapakita ng hindi magandang kalagayan ng kaniyang kaibigan. Siya ay si Cess Del Rosario na humingi ng tulong para sa kanyang kaibigan na si Ruby Reyes Teñoso nadati umanong Overseas Filipino Workers (OFW). Hindi umano malinaw sa kanila ang sanhi ng kaniyang karamdaman dahil simula nang makauwi sa Pinas si Ruby ay may iniinda na umano itong karamdaman.




Pahayag ni Cess sa kanyang facebook post, sinabi umano kay Ruby ng doktor na may problema ito sa kaniyang bagå. Nang makauwi si Ruby ay napansin nila na labis na ang binagsåk ng kaniyang katawan at sobrang påyat na umano nito.

Nagpagaling siya noon ngunit bumalik din agad ang kaniyang iniindang karamdaman noon. Simula noon ay nasa kama na lamang siya at hindi na makatayo. Ilang taon na rin siyang hindi napapagamn0t dahil sa kakulangan ng pera at kahiråpan. Lumapit na rin siya sa albularyo dahil umasang gagaling.




Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano malinaw sa kanila kung ano ang karamdaman ni Ruby. Humihingi ng tulong si Cess sa mga netizens para sa kaniyang kaibigan. Hinihiling din niya na i-share ang kaniyang post upang mapansin ng programa ni Idol Raffy ang kaniyang hinaing.

"Humihingi po ako ng tulong para sa kaibigan namin na si Ruby Reyes Teñoso. Kasalukuyan po syang nasa ospital sa Tacano. Hindi po malinaw saamin kung ano talagang naging sakit nya sapagkat simula po ng mag abroad sya year 2018 pag balik nya may sakit na sya. Ang sabi sa ospital na napuntahan nya may problema lang sya sa baga. Pero pag dating nya dito sa Pilipinas sobrang payat nya.






Nagpagaling po sya dito nakapag trabaho pa sya at nakabawi pero paglipas ulit ng ilang buwan bumalik na naman yung sakit nya namanas na sya at lagi ng masakit yung leeg nya. Simula nun di na sya nakabawi naging bed ridden na sya ng ilang taon di narin sya nakapag pagamot dahil sa kakapusan ng pamilya. Lumapit na rin sya sa ilang albularyo sa pag asang gagaling pa sya.

Hanggang ngayon di po malinaw samin ang naging sakit nya. Sana po matulungan nyo kami na kahit papano maitawid namin yung magiging gastos nila sa ospital. Kahit magkanong maiaabot nyo ay malaking tulong na po. Maraming Salamat Sa lahat po ng magpapaabot ng tulong dito na lang po kayo magsend kahit magkano lang po sobrang laking tulong na po iyon.

MARAMING SALAMAT PO Pashare narin po para po makarating po kay Sir Raffy Tulfo.
GCASH - AILENE DEL ROSARIO 09126693079"

No comments