Estudyante, Proud na Proud sa Kanyang Graduation Picture Kasama ang Kanyang Ama na Isang Balut Vendor!




Para sa isang magulang ay maituturin na isang malaking achievement ang makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak. Kung hindi dahil sa pagsusumikap at pagkayod sa paghahanap-buhay ng ating mga magulang ay mahirap nating maaabot ang pangarap na nais natin sa buhay. Kaya naman, bilang sukli sa lahat ng pagsasakripisyo ng ating mga magulang ay marapat lamang na pagbutihin ang pag-aaral.




"Dahil sa balut, diploma at naabot," mensahe ng estudyanteng si Jerdy Grace Araneta na nakapagtapos ng Senior High. Ibinahagi niya ang kanyang graduation picture kasama ang kanyang ama na isang balut vendor. And naturang larawan ay naging viral at kinabiliban sa social media. Labis ang paghanga ng mga netizens sa ama ni Jerdy na si Tatay Rodolfo.

Ayon sa ulat ng GMA News, sampong taon na umanong balut vendor si Tatay Rodolfo at ito na ang pinagkukunan niya ng pera para sa pangtustos sa pag-aaral ni Jerdy.





Ngunit nang pumasok sa ating bansa ang pandemya ay humina na umano ang kinikita ni Tatay Rodolfo sa pagtitinda ng balut kaya naman nag-isip siya ng pwede niyang pagkakitaan. Suma-sideline ngayon sa pagtitinda ng pandesal si Tatay Rodolfo. Bukod pa rito ay nangangalap din siya ng basura at kung minsan naman ay nagkukumpuni siya ng appliances.




Dahil sa ipinakita na pagsasakripisyo ni Tatay Rodolfo para makapag-aral si Jerdy, sinuklian niya ito ng pag-aaral ng mabuti at nakatapos siya ng Senior High School. Balak namang kuhanin na kurso sa kolehiyo ni Jerdy ay nursing. Plano din niyang mag-working student upang matulungan ang kanyang ama sa mga gastusin nila sa pang araw-araw.


No comments