Food Delivery Rider, Dalawang Beses Na-modus ng Iisang Customer!



Marami sa atin ang lubhang naapektuhan ng pand3mya tulad na lamang ng ilang negosyo na nagsara at mga empleyado noon na ngayon ay wala ng trabaho. Para sa pamilya, kinakailangan pa rin nating magpatuloy sa buhay at piliting makaraos sa pang araw-araw. Karamihan sa mga may sariling motorsiklo ay ginagamit ito upang kumita ng pera katulad na lamang ng pagiging isang delivery rider.




Ang pagiging isang delivery rider ay masasabi nating hindi madaling trabaho dahil bukod sa delikado ang buhay sa kalsada ay maaaring makakuha ng v1rus ang ilan sa mga riders mula sa kanilang customers o 'di kaya naman ay sa mga lugar na nadadaanan o napupuntahan.

Nagbibigay din sila ng maganda at maayos na serbisyo sa mga customers nila. Marangal din silang naghahanap-buhay kaya naman, hindi nararapat na pakitaan o gawan sila ng hindi maganda. katulad na lamang ng ginawa ng isa niyang customer.





Ibinahagi ng facebook page ng Caloocan Cyber Community ang nakakalungkot na pangyayari sa isang food delivery rider.

"Post ko lang 'tong taong ito para malaman ang gawain nito lalo na po sa mga food delivery rider na katulad ko. Ang m0dus po ng taong ito ay oorder ng pagkarami-raming pagkain at "PAID ONLINE" na. Pero after mai-deliver rereport niya sa food panda na walang dumating na pagkain sa kanya para ma-refund at magka-sorry voucher sya.




"Nangyare na sakin 1 time ito nung May 3, sa isang account name na ginagamit nya nagchat ito sakin kung saan dadalin. Pero nagulat ako tumawag ang vendor at ayun nga pina-cancel. Ang malas lang nito dahil kahapon May 8 ay nag-order sya sa mcdo at sakin ulit natapat. Malakas ang kutob ko na siya ulit un. Kaya pinaghandaan ko na kinuhanan ko sya ng picture at bumalik ako sa Mcdo para itanong kung ganun ulit ang ginawa."
 



"At di nga ako nagkamali. After ko mai-deliver pina-cancel ulit nya. Kinumpronta ko na 'tong taong ito pero hindi pa din natak0t! Ang tanong pa niya sakin baka daw i-post ko sya. At 'yan na nga sisikat kana. May kaya pa naman kayo tapos manl0loko lang kayo. Alalahanin niyo na may pamilya din ang mga rider na nal0loko mo!!!"



No comments