Homeless na Babae, Ipinamalas ang Kabayanihan Matapos na Tulungang Manganak ang Isang Ina na Homeless Din!
Marami sa ating mga kababayan ang lubos na nangangailangan ng tulong. Katulad na lamang ng mga Pilipino na walang tahanan kundi sa kalye at bangketa lamang. Ipinamalas naman ng isang homeless ang kabayanihan matapos na tulungan niyang makapanganak ang isang ina na Locally Stranded Individual o LSI na nasa bangketa ng mga oras na iyon.
Ayon sa ulat ng GMA News nitong Miyerkules, sinabi ng CDRRMO na natutulog umano sa bangketa ang buntis na isang LSI na taga-Iligan City nang mangyari ang naturang insidente.
"Nadatnan po namin na nakalabas na 'yung baby. Medyo bluish na 'yung ulo. Tinapik ko lang po 'yung paa para umiyak," ayon kay Mark Anthony Castillo RN, EMT ng Pasay CDRRMO.
Bago pa man makarating ang mga rescuer ay may nauna nang nailigtas ang buntis ng isang homeless na babae na kinilalang si Apple.
"Nangingitim na nga siya eh kasi nanginginig na siya eh, buong katawan. Pag-iri niya, tinulak ko, lumabas 'yung ulo. Eh hininto niya, naipit 'yung leeg. Sabi ko 'Naku huwag ganiyan, ituloy mo' sabi ko sa kaniya," kuwento ni Apple.
"Alam ko kasi parang napagod na siya sa kaiire. Pagbilang ko ng tatlo, tinulak ko na ulit 'yung bata. Pagtulak ko lumabas na lahat," dagdag ni Apple.
Agad namang isinakay sa ambulansya ang mag-ina at kasalukyang nasa Pasay City General Hospital ang mag-ina kasama ang padre de pamilya. Ipagbibigay-alam naman ng CDRRMO sa Pasay Social Welfare Department ang mag-ina upang mabigyan sila ng tulong.

No comments