Isang Mabuting Lalaki, Nagbigay ng Pera sa Mag-ina Nang Mapansing Nangangailangan Ito ng Tulong!



Isang nakakaantig na kaganapan ang nasaksihan ng concerned netizen na si Khen Pili. Ayon sa kanya, habang siya ay nakasakay sa pampasaherong jeep byaheng Lipa ay may nakasabay umano siyang babae na buntis na may kasamang anak at asawa. Iyak ng iyak umano ang bata dahil sa gut0m at wala din silang pera. Kaya naman, may isang lalaking pasahero ang naawå sa bata kaya nag-abot ito ng P500 para makabili ng pagkain.




Napansin ng mga pasahero na tila manganganak na ang ina dahil nakakaramdam na ito ng pagsakït ng tiyån. Papunta na noon ang mag-anak sa ospital sa Lipa nang biglang nag-abot muli ng pera ang lalaki ng P1,000 upang may pangdagdag umano sila sa magiging bayarin sa panganganak ng babae.

Nag-iwan din ang lalaki ng kanyang contact number para kung sakaling kailangan pa nila ng tulong ay handa siyang magbigay at mag-abot muli ng tulong.

Marami ang sumaludo sa kabutihan na ginawa ng lalaki at isa na rito si Khen Pili kaya't ibinahagi niya sa social media ang nakakaantig sa pusong kaganapan sa loob ng pampasaherong jeep na kanyang nasakyan.





Narito ang naturong post ni Khen Pili na ibinahagi naman ng facebook page ng Heaven Elements:

"Guys pasikatin natin ang lalaking 'to.. kanina nasa Jeep ako byaheng Lipa, may nakasabay akong babae na buntis kasama nya anak nya at asawa, iyak ng iyak yung bata dahil sa gutom wala daw silang pera, naawa itong si kuya kaya binigyan nya ng 500 yung mag-asawa para may maibili na pagkain, napansin din namin na parang manganganak na si ate dahil sumasakit na yung tiyan kaya papunta sila sa ospital ng Lipa pero etong si kuya dinagdagan nya pa ng 1k sa mag-asawa para pandagdag sa panganganak dahil nakita nya ang sitwasyon ng mag-asawa at anak.




"Ibinigay din ni kuya yung contact number nya sa mag-asawa para kung sakaling kaylangan pa ng tulong ay tutulong pa daw sya.. saludo kami sa'yo kuya kung sino ka man, maraming salamat sa napakabuti mong puso at kalooban, nawa'y pagpalain ka pa ng Diyos at sana marami pang katulad mo na bukas palad at handang tumulong sa kapwa.. "



No comments