Jobert Austria, Natagpuan na ang Kanyang Tunay na Ina Makalipas ang 50 Taon: "Pinapatawad Na Kita"


May ilan sa atin ang hindi nakasama ang tunay na magulang at ibang tao ang tumayong magulang para sa atin. Ngunit, hindi mawawala sa kanilang isipan na ano kaya ang itsura at kaugalian ng totoo nilang magulang? Kamukha ba nila ito o magkaugali ba sila? Ilan lamang 'yan sa maraming katanungan ng isang anak na hindi nakita ang kanyang mga magulang.




Isa na lamang dito ay si Jobert Austria na mas kilala bilang si Kuya Jobert. Si Kuya Jobert ay isang sikat na komedyante at marami ang umiidolo sa kanya sa paraan niya ng pagpapatawa. Ngunit, sa kabila ng kanyang pagbibigay ng kasiyahan sa iba ay may lungkot ito sa kanyang pus0 dahil may kakulangansiyang hinahanap at ito ay ang kanyang tunay na ina.

Sa kanyang vlog na ibinahagi noong Mayo 8, magkakahalong emosyon ang kanyang naramdaman. May tuwa, may lungkot, may pagtatampo at excited dahil sa wakas, makikita na niya ang kanyang tunay na ina.




Sa unang parte ng kanyang video ay mapapanood ang kanyang paghahanda sa pagkikita nila ng kanyang ina. "Itong araw na ito ang pinakaimportante sa akin dahil kikitain ko ang nanay ko, ang totoong nanay ni Kuya Jobert. Ilang taon kaming hindi nagkita ng nanay ko," pahayag ni Kuya Jobert.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Medyo kinakabahan ako. Medyo masaya ako. Medyo may tampo pa rin ako, di ba, kasi marami akong tanong... Pero nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ito na yung araw nahinihiling ko. Pinagkaloob na Niya sa akin," dagdag nito.




Inamin niya na may pagtatampo pa rin siya sa kanyang ina, "Isipin mo, 50 years old na ako. Ilang taon din akong nagtampo doon, eh. Hindi n’yo pala malalampasan yung nakaraan niyo. Hindi kayo makaka-move on hangga't hindi n'yo naaayos yung relationship niyo kahit kanino lalo na yung mabibigat sa buhay n’yo. Maaapektuhan talaga yung future niyo."

Ilang minuto ang nakalipas sa kanyang vlog ay sa wakas, nagkita na silang mag-ina. Kasama ng kanyang kapatid na nagngangalang Jeremy ay hinatid nito kay Kuya Jobert ang ina nito.

Mahigpit na yakap ang bungad ng mag-ina. Hindi na rin napigilan na maluha mi Kuya Jobert marahil ay nasabik itong gawin ito sa kanyang ina na matagal niyang hindi nakita.

"Salamat Nay, kasi kung hindi nangyari 'to hindi ako naging artista. Basta mag-iingat ka lagi. Dadalaw ako doon kapag nakaluwag-luwag na bago ako pumunta ng Canada.

"Ang importante, nagkita tayo. Hindi aksidente 'to, nagkita tayo. Para kung saan man tayo mapunta, nagkita tayo. Nagkapatawaran tayo.

"Pinapatawad na kita kahit na hindi kita niyakap nu’ng mga panahong mag-isa lang ako. Ang hirap-hirap kaya nung bata pa ako. Minsan umiiyak ako, hindi ko alam. Iba yung pakiramdam ng totoong nanay, di ba?" Mensahe ni Kuya Jobert para sa kanyang ina.

"Sana humaba pa ang buhay mo. Sana makilala mo ang Diyos. At sana maging malakas ka pa. Sana malaman mo na pinatawad na kita doon sa mga dating nangyari sa atin nu’ng ako ay binigay mo.

"Ngayon, okay na. Eto na ako. Napagdaanan na natin lahat ng kailangan nating pagdaanan. Mag-aasawa na ako. Nagpapasalamat ako dahil bago ako pumunta sa Canada ay nagkita tayo. Bayaan mo. Kapag nandu'n na ako, palagi kitang kukumustahin," dagdag na mensahe ni Kuya Jobert sa kanyang ina na si Nanay Amanda.




Marahil ay hindi showy si Nanay Amanda kay Kuya Jobert at nahihiya pa ito ngunit mararamdaman natin ang pagmamahalan ng nagkalayong mag-ina sa matagal na panahon. Ang kapatawaran ng isang tao ay kusang mararamdaman sa oras na handa ka na at naghilom na ang naging sugåt.

May ilan naman ang nagkomento na tila naka-relate sila sa istorya ni Kuya Jobert. Nawa ay makita at makasama niyo na rin ang tunay ninyong mga magulang. Ang pagsubok ni Kuya Jobert sa buhay ay hindi naging madali ngunit sa bandang huli, nakamit na rin niya ang pagtatagumapay. Bukod sa pag-asenso sa buhay ay na-fullfill na niya kung ano ang kulang sa kanya at ito ay makita at mapatawad na ang kanyang ina.



No comments