Lolo na Isang Magsasaka, Nagtitinda ng mga Gulay sa Gitna ng Ulan sa Kagustuhang Kumita ng Pera!




Marami sa ating mga kababayan ang lubos na naghihirÄp sa buhay. Sila ang mga taong dapat na inuunang tulungan katulad na lamang ng mga magsasaka. Lubhang mahirÄp ang kanilang hanapbuhay dahil magmula sa pagtatanim, pagdidilig at hanggang sa pagsasaka ay binubuhos nila ang kanilang buong lakas para may makain lamang ang kanilang pamilya.




UmaarÄy na ang ilang magsasaka dahil maliit lamang ang kanilang kinikita. Kaya naman may ilan sa kanila ang napipilitang dumiskarte para kumita ng pera. May ilan sa kanila ang nagtitinda ng kanilang mga itinanim na gulay katulad na lamang ni Lolo na makikita sa larawan na kahit bumubuhos ang ulan ay patuloy pa rin siya sa pagtitinda ng mga gulay.

Ayon sa ipinost ng Isko Moreno Supporters Facebook Page noong Mayo 17, ay nananawagan ito sa mga netizens na sana ay huwag ng humihingi ng discount sa mga kagaya ni Lolo dahil maliit lang din ang kinikita nila. Ang nais lamang nila ay makaraos sa pang araw-araw at may makain ang kanilang pamilya.






Marami naman sa mga netizens ang naantig sa larawan ni Lolo at may ilan pa na naka-relate sa kanya na magsasaka rin at pinipilit na makaraos sa kahirÄpan ng kanilang buhay.

"yes may father is a farmer and i am so proud.they provide food.even if the price of vegetable are not enough for their sacrifice,"
 ayon sa komento ng netizen.

"Ang tatay ko ay isang magsasaka ng palay at aking ina namay nagtatanim ng mga halamang gulay upang maibenta sa palengke,,proud po ako sa kanila at nagpapasalamat Dahil sa kabila ng lahat naitaguyod Nila kaming magkakapatid,,..at maging ako proud din ako sa Sarili ko Dahil naranasan ko ding magbenta sa palengke ng ibat-ibang klase ng gulay at Alam nyo po ba kahit marangal po ang aking hanapbuhay ay sadyang may mga tao talagang mababa ang tingin sa mga kagaya naminhabang nag Aaral po ako ng elementarya natuto po akong maghanap ng pera para matulungan ko ang aking mga magulang and I thank God Kong San man ako ngayon..ginawa kong inspirasyon yong mga taong dati minamaliit ang kakayahan ko.SO STOP BEING A BARAT O KURIPOT BUYER PO!!alam ko Kong gano kahirap ang magtanim at magbenta ng mga halamang gulay," komento pa ng isa netizen.


Narito naman ang kabuuang post ng naturang facebook page:



"Huwag baratin o humingi ng malaking discount kapag bibili sa mga farmers na nagtitinda ng sarili nilang produkto, o kaya sabihin sa kanila na mas mura ang mamili sa palengke o supermarket. They are often the same people who grew that food, which is a lot of work."



No comments