Netizen, Naantig Nang Madaanan ang Isang Bata na Nagdiriwang ng kanyang 7th Birthday sa Gilid ng Kalsada!



Lahat ng ina ay handang gawin ang lahat para sa kanilang pamilya lalo na para sa kanilang mga anak. Lahat ng pagsubok sa buhay ay kayang lampasan ng isang ina dahil mayroon silang inspirasyon at iyon ang mga anak. Naantig naman ang isang netizen sa nakita niyang nagdiriwang ng isang munting selebrasyon para sa batang babae.




Makikita sa larawan na tila pinaghandaan ng ina ang kaarawan ng kanyang anak na tumuntong sa edad na 7-taong gulang. Ayon kay Kim Raytos, uploader ng naturang larawan, hindi na niya napigilan na maiyak sa nasaksihan niyang kaganapan.

Kahit na salat sa buhay ay binigyan pa rin ng isang selebrasyon ang kanyang anak sa gilid ng kalsada. May mga balloons na iba't-iba ang design, may greetings rin na nakasulat sa isang karton at nakasuot din ang birthday girl ng makulay na damit.




Ang pagmamahal ng ina na ito para sa kanyang anak ay hindi mapapantayan ng anumang bagay sa mundo. Makikita sa larawan na ito na kahit na salat sila sa buhay ay mayaman naman sila sa pagmamahal.

"Naiiyak lang ako kasi kahit anong hirap ng buhay nila, nagawa pa rin nilang i-celebrate 'yung 7th birthday ng bata, kahit sa simpleng paraan lang. Nakakatuwa na nakakaiyak kasi bilang isang ina, lahat gagawin niya makita lang na masaya 'yung anak niya," pahayag ni Kim Raytos sa kanyang facebook post.




"Naantig ang netizens sa mga kuhang ito ni Kim Raytos. Habang binabaybay ng nasakyan niyang taxi ang Evangelista St. sa Makati, napansin niya ang batang may suot na makulay na damit sa tapat ng San Idelfonso Church. Papunta pala ito sa inihandang birthday set-up ng kanyang nanay sa tabi ng kalsada." Ayon naman sa caption ng facebook page ng News5.




Ang naturang post ay lubhang nagpaantig sa mga netizens. Marami rin ang nag-abot ng pagbati para sa bata.

"D basihan kahit anong hirap at anong busy pg mahal mo ang isang tao mkakahanap ka ng paraan pra mpasaya ito. Btw, happy birthday"

"God bless you and happy 7th birthday."

"Happy birthday little one. balang araw matutupad mo pangarap mo para sa iyong pamilya. Lagi ka mag ppray. Maging mabuting tao ..di natutulog ang diyos. God bless"


No comments