Pintuan ng Sirang Refrigerator Noon, Naging Pintuan ng Banyo Ngayon!




Ang mga Pinoy ay mayroong iba't-ibang katangian na ipinamamalas at nagpapahamangha sa ibang lahi katulad ng paggamit ng "po" at "opo" bilang paggalang sa mga matatanda, pagtutulungan o "bayanihan", pagiging masiyahin kahit na sa gitna ng kalamidad at ang lubos na nakakamangha sa ating mga Pinoy ay ang pagiging malikhain at madiskarte sa mga maraming bagay.




Kamakailan lamang ay nag-viral ang ilang larawan na lubos na hinangaan ng karamihan. Isang malikhain na Pinoy ang gumawa ng pintuan ng banyo na noon ay pinto ng refrigerator. Sa una ay aakalain na ref ito ngunit kapag binuksan na ay bubungad ang nasa loob.

Mapapansin din na sinabitan ng mga sipilyo at may lalagyanan din ng sabon ang naturang pinto. Sino ba naman ang mag-aakala na ang pinto ng ref ay maaaring maging pintuan ng banyo? Narito naman ang ilang komento ng mga netizen sa mga larawan at ang ilan sa kanila ay talaga namang naaliw.




"Resourceful ang tawag dito. Hindi nasayang ang patapon na sanang pintuan ng ref." Komento ng isang netizen.

"Cute kaya. Kala mo ref na malaki yun pala CR lang. May ganyan din bahay ng tropa ko non hindi ko lang maalala kung sino." Pahayag pa ng isa.

"Magandang ideya yan ah. Yong patapon na pinto ng ref pwede pala at may lagayan pa ng sabon, toothbrush etc." Turan pa ng isa.

Talagang likas na sa mga Pinoy ang pagiging malikhain sa maraming bagay. katulad na lamang ng isang refrigerator na ito, dahil luma at sira na ay ginawa na lamang na kabinet upang hindi mapakinabangan pa at hindi na masayang. Bukod pa rito ay nakatipid din dahil hindi na kinakailangan pang bumili ng kabinet.




Sa larawan naman na ito na binahagi ni Jenzel Gonzales ay binalutan niya ng wallpaper ang labas ng ref at nilagyan ng alkampor upang mawala ang hindi magandang amoy nito. Nakakamangha ang pagiging malikhain ng mga Pinoy.

No comments