Watch | Isang Pirasong Isda, Pinagkakasya ng Pamilya na May Anim na Anak Upang Maibsan ang Gut0m!



Patuloy na nadadagdagan at tila hindi nababawasan ang bilang ng mga pamilya na nakakaranas ng hirĂ¥p sa buhay at madalas na hindi nakakakain ng wasto na nagdudulot ng malnutrition sa maraming bata. Nakakalungkot isipin na may mga taong namumuhay nang mas mahirĂ¥p pa sa daga. Isa ito sa pinaka malaking problema ng bansa na hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan.




Dahil sa patuloy na paglaganap ng pand3mya sa ating bansa ay patuloy din ang paglala ng mga taong may problema sa nutrisyon at kalusugan katulad na lamang ng dalawang pamilya na naitampok kamakailan sa Stand For Truth ng GMA Public Affairs.

Kinilala ang padre de pamilya na isang mangangalakal na si Manuel Tausa ng Tondo, Manila. Pinagkakasya ng pamilya ni Manuel ang maliit na kita nito sa pangangalakal. Para makatipid at magkasya ang maliit na kita, bigas muna ang unang binibili bago ang itlog, bagoong, tuyo at gulay.






"Sinasabi ko lang, magtiis tayo kasi 'yan lang ang abot-kaya ko eh. Hindi naman tayo puwedeng magnakaw, huhulihin din tayo," saad ni Manuel.

'Underweight' o hindi sapat ang timbang para sa edad ng isang anak nila Manuel kaya naman, matiyagang pumipila sa feeding program si Rosemarie, asawa ni Manuel.

Bukod pa kay Manuel, may pang pamilya ang nakakaranas ng hirĂ¥p at ito ay ang pamilya ni Abegail Molito ng Infanta, Quezon. May anim din siyang anak at hindi din sapat ang mga timbang nila para sa kanilang edad.





Ang dalawang taong gulang niyang anak ay nanghihingi lamang ng pagkain sa kanilang kapitbahay dahil madalas, hindi sila nakakakain ng almusal. Habang ang isang taong anak naman ni Abegail ay may timbang na pang-tatlong buwang gulang na sanggol.

"Minsan nakakakain din kami, minsan wala. Minsan sa isang araw na hindi na kami nakakakain, umiiyak lang ako tapos dinadasal ko lang din na sana may taong tumulong sa amin," pahayag ni Abegail, na buntis sa pang-anim niyang anak.

Pinapalayas na umano sila sa kanilang nirerentahan na bahay dahil hindi na umano sila nakakabayad ng upa.




Ayon sa datos ng DOST-FNRI noong taong 2019, nasa 5.8% o 600,000 ang mga batang limang taong gulang at pababa na biktima ng Acute malnourishment, nasa 19% o 2.1 milyon ang underweight, at nasa 28.8% o 3.2 milyon ang may stunted growth o may pagkabans0t.


No comments