Watch | Scåmmer, Diumano'y Nagparetokë Para Matakasan ang Mga Biktima?



May isang babae na ang modus ay mag-send ng screenshot ng fake online bank transfer sa kanyang mga nabiktima. Ang babaeng ito ay diumano'y nagpaparet0ke upang matakasan ang kanyang mga biktima at maging ang doktor na nagret0ke sa kanya ay isa sa kanyang mga nabiktima.

Isa sa episode ng Kapus0 Mo, Jessica Soho ay natampok noong Linggo ang ginawa ng babaeng scåmmer at nagbigay rin ng mga pahayag ang apat sa kanyang mga nabiktima kasama na ang doktor.




Isang Reservation Coordinator, isang negosyante, isang may-ari ng condo at isang Cosmetic Surge0n. Base sa kanilang mga pahayag ay tila pare-parehas lamang ang ginawang modus ng babae at iisang ang kanilang sinasabi; nag-send ng screenshot ng online bank transfer na kinalaunan ay nalaman nilang peke pala ito.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang babae matapos na umorder ng money-cake na may naglalamang P285,000. Nalaman ng awtoridad na ito pala ay modus ng babaeng nagngangalang Wendinel Guban Mendoza na nahaharap naman ngayon sa kas0ng ESTAFA in Relation to R.A. 10175.





Ayon naman sa mga nabiktima niya, nag-aalanganin sila kung siya ba talaga ang sinasabing nang-scåm sa kanila dahil malayong-malayo umano ang itsura nito noon sa ngayon. Sinabi pa ng isang biktima ng mayroon pa itong dimple sa pisngi kahit na hindi ito ngumingiti ay nakikita agad.




Sa episode na ito ay kahit na anong tago ang gawin ng isang tao ay lalabas at lalabas pa rin ito lalo na kung mali ang ginawa. Hustisya naman ang sinisigaw ng mga nabiktima ni Wendinel at nananawagan din sila na kung sino pa ang nabiktima nito ay mag-salita na upang malabas na ang buong katotohanan.


Narito naman ang kabuuang video mula sa Youtube Channel ng Kapus0 Mo, Jessica Soho:


No comments