Watch | Sundalong Anak, Sinurpresa ang Kanyang Ina na Isang Taon Nang Hindi Nakikita!




Ang pagiging isang ina ay isang mahiråp na responsibilidad. Walang pahinga, walang day-off, walang vacation leave at hindi maaaring mag-resign ang isang ina dahil ang pagiging ina ay hindi natatapos sa pagluluwal ng sangg0l. Kailangang palakihin ng mabuti ang mga anak, asikasuhin ang mga mister na nagtatrabaho at mag-asikaso ng mga gawaing bahay. 'Yan lamang ay ilan sa mga responsibilidad ng karamihan sa mga ina.




Kaya naman, ipinagdiriwang kada-taon ang araw ng mga ina o ang Mother's Day. Iba't-ibang paraan naman ang mga anak at mga mister sa pagbibigay ng ligaya sa mga ina o ilaw ng tahanan. Ang iba ay nagsusurpresa, naghahanda ng mga pagkain, dinadala sa mga restaurant, pinapasyal at marami pang iba.

Isang video naman ang nag-viral sa social media matapos na surpresahin ng sundalong anak ang kanyang ina na isang taon na niyang hindi nakikita dahil sa pand3mya.





Mapapanood sa video na noong una ay nakasuot ng helmet ang sundalo at tila pinapatanggal niya ito sa kanyang ina. Wala namang kamalay-malay ang ina na ang kaharap nito ay ang kanyang anak na matagal nang hindi nakikita.

Nang matanggal na ang suot na helmet ay laking gulat na lamang ng ina at napaiyak na lamang siya dahil sa tuwa. Nasurpresa ang ina at mahigpit na niyakap ang kanyang anak.




Ngayong Mayo 9 ay ginunita ng marami sa atin ang Mother's Day. Ang iba ay masayang nagdiwang ng kanilang araw, may ilan na sinurpresa, may ilan na binati sa facebook at may ilan din na tumungo sa puntod ng kanilang ina.

Isa lamang ang ina sa ating buhay, sila ang alam nating hindi tayo pababayaan at palaging nandiyan lang at nakasubaybay sa paghaharap sa ating buhay. Magpasalamat tayo sa kanila at kung hindi man masabi ang salitang "I Love You", iparamdam na lamang ito sa kanila.



No comments