102-Anyos na Lolo, Patuloy pa din sa Pagtitinda ng Duyan Kahit na Mabigat at May Edad na Siya!



Marami sa ating mga kababayan ang mailig magreklamo sa buhay. Ngunit, ang pagrereklamo ay hindi nakakatulong upang tayo ay makaraos sa buhay bagkus ay dapat magsumikap at kumayod upang matustusan ang pang gastos sa araw-araw. Pinatunay ito ng isang Lolo na may edad na 102-anyos. Kinilala si Lolo na si Tony Villanueva.




Si Lolo Tony ay tubong Leyte. Kahit na mabigat ang binubuhat niyang duyan ay purisgido pa din si Lolo Tony na maghanap-buhay. Nilalako niya ang kanyang paindangduyan sa buong Barangay Rizal. Hindi alintana ang pag0d na nararamdaman ni Lolo Tony dahil ang mahala sa kanya ay makabenta at kumita.

Upang mapanitili ang kanyang malakas na pangangatawan ay gulay at isda lamang ang kanyang kinakain. Hindi umano siya kumakaen ng karne at mga pagkain na may halong vetsin.





Ayon sa concerned netizen na si Rhodz Jimenez Casio-Salili na nagbahagi ng larawan sa social media ay hiling nito na sana ay makarating ang kalagayan ni Lolo Tony sa Local Govenment upang mabigyan umano siya ng benepisyo para sa kanyang edad.

Narito ang naturang post:




"Pasikatin natin itong si tatay Tony Villanueva from Leyte, 102 years old na po sya pero malakas pa at naghahanap buhay ng marangal, nilalako nya yung paninda nyang duyan sa buong Brgy.Rizal, kahit mabigat ang duyan hindi alintana ang pagod makabenta lang, ang sikreto daw nya sa malakas na pangangatawan ay walang Betsin at Karne, Puro gulay at isda lang daw kinakain nya, paki Share na lang para may bumili ng Paninda nya at makarating sa Local government para matulungan at makuha ang benepisyo nya sa edad nya."



No comments