4-Anyos na Bata, Natutong Mag-ipon ng Pera Para Makatulong sa Pamilya!




Isa sa pinaka-mainam na gawin sa buhay ay ang pag-iipon. Sabi nga nila, "Kapag may isinuksok, may madudukot." Ito ay nagpapahiwatig lamang na kung tayo ay masinop at nag-iipon ng pera, sa oras ng kgipitan ay may mailalabas tayong pera. Ito ay pinatunayan ng isang 4-anyos na batang babae na matiyagang nag-iipon ng pera para sa kinabukasan niya at para sa kanyang pamilya.




Ayon sa ulat ng GMA News noong Hunyo 11, lubos na hinagaan ng mga netizens ang pag-iipon ng pera ni Althea na mula sa Lanao del Norte.

Ang kanyang mga naunang inipong pera ay nagamit sa oras ng pangangailan ng kanyang ina na mangangånak na. Nakaipon umano si Althea ng Php1,500 at ginamit ito sa pangangånak ng kanyang ina. Kasalukuyan naman nag-iipon si Althea para sa pangbili ng kanyang mga gamit sa eskwela.





Ang iniipong pera ni Althea ay galing umano sa kanyang lolo, lola at mga tiyahin. Mayroong Php20, Php50 at Php100 ang mga naiipon niyang pera.

Parehong may kapansånan ang mga magulang ni Althea, gayunpaman ay mababakas sa kanila ang malaking pasasalamat para kay Althea. Sa murang edad nito ay nagsusumikap siya para sa kanyang pamilya. Pinapakita dinni Althea ang labis niyang pagmamahal sa kanyang pamilya.




Marami naman sa mga netizens ang humanga kay Althea. "Obviously a genius girl. Having such a strong empathy in such young age, it's a sign. Most kids would just play and don't care what's happening."

"Sigurado malayo mararating ng batang to. GOD BLESS BABY GIRL."

"Naku pag dating ng panahon mag tatagumpay sya at magiging financial advisor eto o sa banko."



No comments