50-Anyos na Tatay, Matiyagang Nagtitinda ng Facemasks at Faceshields sa Ilalin ng Tirik ng Araw!



Bilang mga haligi ng tahanan ay nakapatong sa kanilang mga balikat ang responsibilidad na matugunan ang bawat pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya naman hahamakin nila ang lahat para sa kinabukasan ng kanilang pamilya lalong lalo na ang kanilang mga anak. Kadalasan, ang mga ama ang gumagawa ng paraan upang kumita ng pera.




Katulad na lamang ng 50-anyos na ama na si Tatay Florante na sa kabila ng init at sobrang katirikan ng araw ay matiyaga itong nagtitinda ng facemask at face shield sa gilid ng kalsada para sa kanyang pamilya.

Ayon sa facebook page ng Stories of Hope, masikap na itinataguyod ni Tatay Florante ang kanyang pamilya dahil siya lamang ang inaasahan ng mga ito.





Umani naman ng iba't ibang reaksyon ang post na ibinahagi ng naturang facebook page. Nananawagan ang ilang netizens na sana ay mabigyan ng tulong si Tatay Florante. Ang kanyang kwento ay ibabahagi ng GMA-7 sa darating na Lunes, 11:30 PM.




Sa darating na Hunyo 20 ay ipagdiriwang natin ang araw ng ating minamahal na ama. Sa araw na ito ay ipinapaalala lamang sa atin ang kahalagahan ng isang ama. Hindi lamang sa araw na ito dapat iparamdam ang ating pagmamahal para sa kanila bagkus ay dapat araw-araw nilang nararamdaman kung gaano natin sila kamahal at bilang sukli sa lahat ng sakripisyo nila para sa atin tulad na lamang ng ginagawang sakripisyo ni Tatay Florante.



No comments