7-Anyos na Anak, Mag-isang Inaalagaan ang Paralisadong Ama Matapos Iwan ng Kanyang Ina!



Iisa lamang ang pinapangarap ng mga magulang para sa kanilang mga anak at iyon ang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Gagawin ng mga magulang ang lahat maibigay lang ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak katulad ng maibili ng komportableng damit, mapakain g tatlong beses sa isang araw, mapag-aral at mapalaki ng mabuti.




Ngunit tila naging kabaligtaran ang nangyari sa mag-ama na ito dahil imbis na ang 7-anyos na batang lalaki ang inaalagaan ng kanyang ama ay ang paralisadong ama ang pinapakain at inaalagaan ng kanyang anak.

Kinilala ang paralisong ama na si Tongming. Ayon sa ulat, matapos magkaroon ng ïnjury sa Tongming ay naging paralisado na ito at hindi na niya magawang lumakad. Hulyo 2013 nang mahulog mula 2nd floor si Tongming sa isang bahay na under construction.





Habang nakahiga ang ama ay maagang gumigisng si Yanglin upaang alagaan ang kanyang ama. Natuto na si Yanglin na mamalengke simula nang siya ay Grade 1 pa lamang. Residente na Wangpu, Guizho Province, Southwest of China ang mag-ama.

Lumayas ang ina ni Yanglin kasama ang kanyang kapatid na babae. Lumayas ito nang maubos ang inipong pera para sa pang pagam0t ni Tongming.




Sa murang edad ay natuto din si Yanglin na kumita sa sarili niyang pagsisikap. Sa tuwing matatapos ang kanyang pag-aaral ay naghahanap ito ng mga kalakal na pwedeng ibenta. $4 o Php200 ang kinikita ni Yanglin kada araw at iniipon niya ito kasama ang $44 o Php2,225 monthly disability benefits na nakukuha ng kanyang ama.

"My father needs medicine but I don't have money," saad ni Yanglin. Nilalagyan ni Yanglin ng gam0t ang likod ng kanyang ama. Kaya naman nais ni Yanglin na makaipon siya ng malaking pera upang maipagam0t ang kanyang ama.

No comments