Isang Estudyante, Napagtapos ang Sarili sa Paglalako ng Chicharon!
Marahil ang karamihan sa atin ay may mabigat na pagsubok na pinagdadaanan sa buhay. Kailangan ng pagsisikap at pagpupurisge upang malagpasapan ang mga pagsubok. Isa na lamang dito ang estudyante na si Jemaima Joy Salas. Dahil sa kanyang pagsusumikap ay napagpatapos niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paglalako ng chicharon at iba pang mga kutkutin.
"Nakakatakot yun unang subok sa pagabot ng pangarap ko pero kailangan ko tatagan para makamit ko eto. Madaming beses ako umiyak, nadapa, sinubok ng tadhana pero isa lang ang sikreto nagtiwala lang ako sa Diyos at pinanghawakan ko ang pangako Nyang pag sinimulan Nya tatapusin nya hanggang dulo," pahayag ni Jemaima.
Pinasalamatan din niya ang paaralan ng Laguna University kung saan siya nakapagtapos ng pag-aaral at pinayagan din siya ng naturang unibersidad na maglako ng mga paninda kahit na bawal dahil alam din ng mga staffs na siya lamang ang nagpapaaral sa kanyang sarili.
Patunay lamang ito na kailangan ng tiyaga, sipag at diskarte sa buhay para makaahon at makamit ang lahat ng pinapangarap. Si Jemaima ay isang halimbawa na kahit ano man ang pagsubok ay hindi pagsuko ang paraan bagkus ang pagpupursige.

Lubos din ang pasasalamat niya sa mga taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay para makatapos sa kanyang pag-aaral. Isa na rito ang kanyang ina na namayapå na.Nagpapasalamat siya sa kanyang ina dahil siya ang naging inspirasyon nito para makatapos sa pag-aaral.

No comments