Isang Lalamove Rider na Nakapagtapos sa Pag-aaral, Hinangaan ng Marami!



Isa sa mga pinapangarap ng lahat ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Marahil ang ilan sa atin ay hindi natupad ang pangarap na ito, ngunit sabi nga nila "hindi pa huli ang lahat" at "kung may pagsisikap, siguradong makakaya at makakamit ang pangarap." Ito ang pinatunayan ng isang Lalamove rider. Nakamit niya ang pinapangarap niyang diploma at nasuot na ang toga.




Ibinahagi niya sa social media ang tagumapay na kanyang nakamit. Kahit na mahiråp ay pinilit niyang malagpasan ang mga sulirånin at pagsubok na dumadating sa kanyang buhay.

Hindi madali ang pagiging isang delivery rider. Kalaban niya ang init ng sikat ng araw at malakas na buhos ng ulan. Bukod pa rito ay kung minsa'y may mga customer pa silang hindi maganda ang pagtrato sa mga katulad nila na naghahanap buhay ng marangal.





Nais ni Oliver Calope na makapag-board exam kaya sinisikap niyang mag-ipon muli. Sa kanyang post ay nagpasalamat din siya sa mga naging customer niya na nagbigay sa kanya ng tip at maging sa taong nagbigay sa kanya ng inspirasyon para magpatuloy sa kanyang pangarap.




Narito ang kanyang facebook post:

"Salamat LALA dahil Sayo nako MOVE ako para makagraduate mahirap ulan at init ang kalaban peru lahat kinaya para sa pangarap makapagtapos di tayo susuko mag sama naman ulit tayo para makapag Board exam ipon ulit !! Salamat sa mga taong nagbigay ng tip sa kada biyahe at nagbigay inspirasyon sakin para magpatuloy kaya LALAMOVE booking pa more!!"



No comments