Isang Lolo na Nakatira sa Bubong, Binigyan ng Tulong ng Isang OFW at Pinagpatayo ng Maayos na Bahay!
Marahil ang marami sa atin ay nakatira sa maayos na tahanan, may komportableng mahihigaan at kung maaraw o maulan man ay may masisilungan. Nakakalungkot man pero may mga kababayan natin ang walang maayos at komportableng na tahanan, masikip na higaan at kung maaraw o maulan ay walang maayos na masisilungan.
Ito ay naranasan ni Lolo Rogelio Tabangcura, 68-anyos na nakatira sa Barangay Nanerman, Sto. Domingo, Ilocos Sur. Si Lolo Rogelio ay naninirahan sa isang literal na bubong, walang haligi, pinto at bintana. Sa edad ni Lolo Rogelio ay dapat komportable na siyang naninirahan.
Sa kabutihang palad ay may isang OFW na nagbigay sa kanya ng tulong upang magkaroon siya ng maayos na tahanan. Kinilala ang concerned netizen na si Krishna Tobia.
Umaasa lamang noon si Lolo Rogelio sa kanyang kapatid na nagbibigay sa kanya ng pagkain paminsan-minsan. Salat din sa buhay ang kapatid ni Lolo Rogelio kaya hindi din siya matulungang mabigyan ng komportableng tahanan.
Umaapaw ang biyaya na natanggap ni Lolo Rogelio matapos na magpatayo ng bahay ang OFW na si Krishna. Nakalikom si Krishna ng $2,000 o halos Php100,000 para sa pagpapatayo ng tahanan ni Lolo Rogelio.
Ang nalikom na pera ay sapat na para sa pangbili ng materyales sa pagpapagawa ng magiging bagong tahanan ni Lolo Rogelio. Sa wakas ay magiging komportable na din ang pamumuhay ni Lolo Rogelio at ligtas na din siya sa loob ng bahay.
Mabuti na lamang ay tinulungan siya ng isang mabuting tao na si Krishna at ang ilang tao din na nagbigay ng tulong para sa kanya.

No comments