Isang Motorcycle Enthusiast, Ibinenta ang Kanyang Mamahaling Helmet Para Mabigyan ng Tulong si Reymark Mariano!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kwento ni Reymark Mariano, 10-taong gulang na matiyagang nag-aararo sa ekta-ektarang bukid kasama ang kanyang alagang kabayo. Hindi maipagkakaila na marami sa mga netziens ang nahabag sa istorya ni Reymark dahil sa kanyang murang edad ay imbis na naglalaro siya kasama ang ibang bata ay nagtatrabaho na siya.




Ayon sa panayam ng programang Kapus0 Mo, Jessica Soho kay Reymark, wala umano siyang ibang pagpipilian dahil kung hindi siya kikilos para magtrabaho ay walang kakainin ang kanyang pamilya.

Maagang kumayod sa buhay si Reymark simula nang makul0ng ang kanyang ama. Iniwan din siya ng kanyang ina dahil may iba na rin itong pamilya. Tanging lolo at lola na lamang niya ang kanyang kasama sa buhay at wala na din silang kakayang magtrabaho pa.





Bumuhos naman ang maraming tulong na ibinigay ng mga netizens para kay Reymark. Isa na lamang dito ang motorcycle enthusiast na si Jerick Mitra.

Para mabigyan ng tulong ang batang si Reymark ay napagdesisyunan ni Jerick na ibenta ang kanyang mamahaling helmet. Ipinost niya sa kanyang facebook account ang binebenta niyang helmet na ang mapagbebentahan nito ay mapupunta kay Reymark.




Sa video ay nagpasalamat si Reymark sa tulong na ibinigay ni Jerick. Dahil sa kabutihang ginawa nito para sa bata ay marami ang humanga at sumaludo sa kanya.

"Salute idol Jerick Mitra isa ka sa mga hinahangaan ang busilak ng pus0 mu Gabayan ka Nawa Palage at naway marami kapang matulongan"

"Lupet mo tlga idol Jerick Mitra. Napaka buti mo mong tao more blessing para marami kapa matulungan."

"Wow God bless po...napa search ako ng Fb name mo boss para dto mismo mag thank you sa kabutihan ng puso mo.."




No comments