Isang Kompanya sa Valenzuela City na Nagpasahod ng Puro Sentimos, Sinuspinde!




Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang larawan ng sangkaterbang sentimo Ang sentimos ay ang natanggap na sahod ng isang factory worker na si Russel Mañosa na nagmamasukan sa Nexgreen Enterprise sa Valenzuela City. Ang balitang ito ay nakarating sa Mayor ng Valenzuela City na si Mayor Rex Gatchalian.




Nakapanayam ng Mayor ang empleyado at ang kinatawan ng Nexgreen Enterprise. Nang matapos ang panayam ay sinabi ni Mayor Gatchalian na magkakaroon ng pagpupulong upang talakayin ang pangyayaring ito.

Sa panayam ng may-ari ng naturang establisyemento na si Jasper So ay inamin nito na hindi umano tama ang pagpapasahod nila sa kanilang mga manggagawa. Sinabi din niya na hindi umano sinasadyang maibigay kay Russel ang mga sentimos na nagkakahalaga ng P1,056.





Ngunit hindi ito pinaniwalaan ng Mayor dahil eksaktong-eksakto ang bilang kung magkano ang sahod ni Russel. Imposible umanong aksidentë lamang na naipasahod kay Russel ang mga sentimos dahil ang P1,056 ay katumbas ng kanyang dalawang araw na ipinasok.

Nakitaan ng mga violåtions ang naturang factory kaya naman isinuspinde na ito ng Valenzuela LGU ng business permit.




Ayon naman sa pahayag ni Russel ay hindi na sana sila aabot sa ganitong sitwasyon kung nagpapasahod sila ng tama.

Sinabi ni Mayor Gatchalian na ang ginawa nilang sa kanilang empleyado ay nakakababa ng dignidad. Hindi umano ito dapat gawin ng kahit sinuman sa mga manggagawa dahil bukod sa may karapatan ang mga ito ay tao din sila na hindi dapat tinatapakan ng sinoman.



No comments