Isang Sanggol na Isinilang sa Bulacan, Pinangalanang HyperText Markup Language o HTML



Marami sa mga netizens ang naaliw sa isang sanggol na pinangalanan ng HyperText Markup Language o HTML. Ayon sa ulat ng News5, isinilang umano ang sanggol sa Bulacan. Isang web developer umano ang ama ng sanggol kaya naman ito ang ipinangalan sa sanggol at para din may kaugnayan ang pangalan nito sa propesyon ng ama.




Ang HTML o HyperText Markup Language ay may kaugnayan sa makabagong teknolohiya na web browser. Ginagamit ang HTML sa paggawa o pagdisenyo ng iba't-ibang teknolohiya tulad ng Cascading Style Sheets at scripting languages gaya ng JavaScript.

Marami na din ang kumakalat sa social media na may mga sanggol na mayroong kakaibang pangalan at talaga namang nakakaaliw.

Ang ilan naman sa mga netizens ay hindi natuwa sa ginawang pangalan ng sanggol dahil habang buhay umano nito dadalhin ang kanyang pangalan. Umabot na sa 16k reactions, 5k comments at 4.9k shares ang naturang post.







Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"sa totoo lang. magulang tlga ang mag ddikita ng pangalan ng anak.. pero sana bago tayo mag isip ng papangalan ntin s mga anak ntin eh isipin ntin kung pano nya ito dadalhin lalo s early stage ng buhay nila.. hnd ntin sila palage kasama. maari syang mabully dahil s kakaiba nyang pangalan. at maaring ito ikagalit nila s inyo dahil kayo ang may dahilan.. sana lng lumaking masaya at malayo sa mapang husgång lipunan ang bata ito."




"Tapos pag nawalan ng trabaho at nagtinda ng taho? Paano na lang? Stop playing with your childrens names"

"When someone ask his name: I'm Hypertext Markup Language or just call me HTML in short.Like serious guys???? I was thinking of the poor baby, he will be bullied! OM, cannoooot! This can't be serious! Am out!"



No comments