Isang Tapat na Magsasaka, Nagsauli ng Napulot na Bag na Naglalaman ng Php133k, Hinangaan ng Marami!




Marami sa atin ang nakakaranas ng krisïs lalo na sa panahon ngayon na may pand3mya. Nakakatuwang isipin na marami pa rin sa atin ang mabubuti ang kalo0ban at tapat sa ating kapwa. Hiråp man ang karamihan sa atin ay mas nananaig pa rin ang kabutihan. Katulad na lamang ng ginawa ng isang magsasaka na nakapulot ng isang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.




Ang magsasaka ay kinilalang si Mando Baniwas Alonzo na naninirahan sa Benguet. Ang napulot niyang bag ay naglalaman ng P133,800.75. Isinauli ng magsasaka ang pera sa Tublay Benguet Municipal Police (MPS) noong Pasko

Si Mando ay tinatawag ngayong "Honest Farmer" dahil sa angking katapatan nito. Ang bag ay naglalaman din ng mahahalagang bagay tulad ng driver's license at squid pay card. Ang naturang bag ay natagpuan ng magsasaka habang siya ay naglalakad sa Sitio Sayatan, Baayan noong Disyembre 25, 2020 saktong alas-diyes ng umaga.




Ang 53-anyos na si Mando ay agad na ipinagbigay alam ang napulot niyang bag sa may-ari na si Roger Bai Santiago upang isauli ang bag.

Proud naman na ibinahagi ng Tublay Police Station ang magandang balita at kung paano hinawakan ng magsasaka ang sitwasyon at piniling gawin ang tama kahit na may pinansyal siyang pangangailangan.




Ayon sa pahayag ng Tublay MPS sa ibinahaging "The True Spirit of Christmas",

"Money is one among the top concern we have right now especially in this time of yuletide and period of pand36mic. Many of us may face the reality of paying bills, providing for our families and trying to make the most of the festive season but no matter how one would bådly need it the spirit of honesty and integrity remained to a person who chose to return the money. We salute you Mr. Mando Baniwas Alonzo for your honesty. God bless!"

Sa kabilang banda, nakuha naman ni Roger ang kanyang bag at mga gamit. Nagbigay din siya ng mga patunay na siya mismo ang nagmamay-ari ng naturang bag. Pinasalamatan niya ang magsasaka sa ginawang kabutihan nito.

No comments