Lalaking may 39 Asawa, 94 Anak at 33 Apo, Binawian na ng Buhay!



Sabi nila, mas masaya ang isang pamilya kapag marami at sama-sama ngunit paano kung ang padre de pamilya at may sangkaterbang asawa, anak at apo? Ang isang lalaki na kinilalang si Ziona Chana ay mayroon hindi lamang isa o dalawang asawa kung hindi may 39-asawa. May 94 na anak at may 33 na apo si Ziona.




Si Ziona ay nakatira sa bahay na mayroong apat na palapag at 100-kwarto kasama ang 181-miyembro ng pamilya sa lugar ng Baktwang Village sa Northeastern India sa Mizoram.

Kamakailan lamang ay naiulat sa GMA News na ang 76-anyos na padre de pamilya na si Ziona ay binawian na ng buhay nitong Linggo. Ang pamilya ni Ziona ang tinaguriang pinaka malaking pamilya sa buong mundo.





Habang mayroong isang padre de pamilya naman na kinilalang si Winston Blackmore na mayroong 150 na anak sa 27 niyang asawa.

Sa ating bansa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng maraming asawa maliban sa ilang kababayan natin na Muslim dahil iba ang kanilang kultura kung ikukumpara sa iba. Katulad ng pamilya na Ziona ay mayroon silang kakaibang kultura na ginagawa.




Ang pagpapamilya ay hindi basta-bastang desisyon dahil kinakailangan ng pinansyal na suporta upang hindi magut0m ang pamilya lalo na ang mga anak. Kailangang isaalang-alang muna ang mga pangangailangan ng isang pamilya upang maging maganda at maayos ang pamumuhay ng pamilyang bubuuin.



No comments