Lolo na Marangal na Naghahanap-buhay, Pinabayaan na Lamang Matapos Bungguin ng Motorista!



Nag-viral kamakailan ang larawan ng isang lolo na nakatumba sa gitna ng kalsada. Makikita sa larawan na nakahiga ang matandang lalaki at natapon ang kanyang panindang taho. Ayon sa post na ibinahagi ng Pilipinas Viral, binangga umano ng mtorista ang naghahanap buhay na matanda. Iniwan at pinabayaan na lamang ito.




Nangyari ang insidente sa tapat ng SM Marikina. HIndi man lamang umano tinulugan ng nakabangga si Lolo at hindi din binayaran ang pinsalang kanyang ginawa.

Nananawagan ng tulong ang nag-post na larawan na ibahagi at ipakalat sa marami ang insidente upang managot ang gumawa nito kay Lolo.

Narito ang naturang post:

"Guys! tulungan po natin itong si manong na naghahanapbuhay, kawawa naman.. binangga po sya at pinabayaan lang sa tapat ng SM Marikina, hindi man lang tinulungan at hindi binayaran ang kanyang paninda.. Paki share na lang po para mapanagot yung nag hit and run kay manong at para matulungan natin sya.."





Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"Npaka walang pus0 nmn tlga ng gumawa nyan oh.. Nka2lungkot isipin na sa kbila ng mga pinag da2anan ntin ngaung pand3mya may mga taong dipa rin ntututo. ayaw gumawa nlng ng kbutihan sa kapwa.."

"Napakawalang hiya naman ng gumawa nyan, di man lang naawa sa nabÄngga nya, sana dika patulugin ng konsencya mo. Hayp ka!"




"Sa mga taong labis ang kasamaan bilang na ang mga araw nyo. wag kayong matutulog dahil bukas baka di na kayo magising walang kayong mga pus0 di na kayo dapat mabuhay pa sa mundo."


"Sna may cctv sa area na yan… para mabilis matukoy kung sino may gawa! Sir raffy tulfo sna mapansin nyo tong ngyare kay manong"


No comments