Mag-asawa, Nagbigay ng Bagong Bahay Para sa Ilang Mahihiråp sa Probinsiya ng Bohol!



Labis na nakakataba ng pus0 ang malaman na may mga taong nagbibigay ng tulong sa mga labis na nangangailangan. Katulad na lamang na mag-asawa na ito, ayon sa post na ibinahagi ni Ronald Casil noong Hunyo 4, naglilibot umano ang mag-asawa sa probinsiya ng Bohol upang mamigay ng bahay sa mga pamilyang lubos na nangangailangan.




Marami na umano ang natulungan ng mga-asawa, sa katunayan ay nasa 65-bahay na ang napapamigay nila at nais pa nilang mamigay lalo na sa mga taong mahihiråp. Ayon sa mag-asawa, nais nilang mabigyan ng bahay ay mga mahihiråp upang magkaroon sila ng maayos at komportableng matutulugan.

Hindi pa rito natatapos ang kanilang pagtulong dahil nagpapaaral din ang mag-asawa ng higit 50-estudyante at buong suporta nila itong tinutulungan. Ang mga gamit sa pag-aaral tulad na allowance at mga gadgets ay binibigay din nila. Nagpagawa din ang mag-asawa ng boarding house para sa mga estudyante.





Nagbigay din ang mag-asawa ng kambing, baboy at kalabaw sa mga pamilya para magamit nila sa kanilang panimula sa buhay.

Narito ang naturang post na ibiahagi ni Ronald Casil:

"Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulogan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol. Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulogan.




"Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para na rin makatulog ng maayos ang isang pamilya.

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla.




Binibigyan din nila ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang ikinabu-buhay."

Maraming salamat sa mag-asawang ito at sana ay marami pa ang kagaya nila na handang tumulong sa iba.


4 comments:

  1. Pahingi po Pam birthday lng ngsyong June 16

    ReplyDelete
  2. Kakaunte lng ng ganyàn ng puso n pinakamabuti sa mahirap

    ReplyDelete
  3. Hello cpo magandang araw sa inyo. Ako po si Ana Grace Cillo, Taga Mindanao. Nandi to po ako ngayon sa Manila... Namasukan bilang katulong. 7 po ang mga anak ko. Gusto ko pong kumatok sa inyong mabuting kaluoban Ng dahil po sa anak Kung may sakit... Gusto ko po syang pa opirahan sa titi nya Kasey may luslus cya. Sana po matulongan nyo po ako kahit konting halaga... Kasey po Yong sahod ko hanggang pag kain Lang. Wala po akong asawa.

    ReplyDelete
  4. Ang galing po naman sadyang dakila ang maykapal, nagsugo ng mga mabubuting tao nawa po mas marami pa kayong matulongan. Maka abot din sana nawa sa amin ang inyong kabutihan..

    ReplyDelete