Pulis na Nagbigay ng Tulong sa Isang Lolo na Hindi Napabilang sa SAP, Hindi Napigilang Maiyak at Niyakap ang Matanda!



Marami ang lubhang naapektuhan ng pand3mya, hindi lamang sa ating bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo. Ang naranasan na kahiråpan ng mga tao noon ay doble ang hiråp na nararanasan natin ngayon. Ang mga dating empleyado ay nawalan ng trabaho. Marami din ang nagsaradong negosyo dahil sa pand3mya. At marami na din sa atin ang nawalan ng taong minamahal dahil sa v1rus na kumakalat magmula pa noong nakaraang taon.




Dahil dito, kailangan mapigilan ng pamahalaan ang paglobo ng mga kas0 na nagkakaroon ng C0VID-19. Pinapayuhan na ang mga bata at matatanda ay manatili na lamang sa bahay kaya naman isa sa solusyon ng pamahalaan ang magbigay ng ayuda o Social Amelioration Program (SAP).

Ngunit sa kasamaång palad ay hindi lahat ng ating mga kababayan ay nabigyan ng ayuda. Katulad na lamang ng isang lolo sa Tarlac. Labis na nalungkot ang matada matapos na malamang hindi siya kasama sa ayuda kahit na mas nangangailangan siya ng tulong.





Ang kwentong ito ay kumalat sa social media. Sa kabutihang palad ay nakita ito ng isang pulis na kinilalang si Patrolman Mark Ramirez na residente din ng Tarlac.

Sapat lamang din ang sinasahod ni Ramirez at ay mga loan pa siyang binabayaran. Ngunit dahil nanaig ang kabutihan ng pus0 ng pulis ay naisipan niyang ibenta ang ilan niyang gamit upang makapagbigay ng tulong kay Lolo.




Nang magkita sila ni Lolo ay hindi naman napigilan ng pulis na maiyak at yakapain ang matanda dahil marail sa awå. Makikita sa larawan na lubhang nangangailangan talaga ng tulong si Lolo. Mabuti na lamang ay may katulad ni Ramirez na handang tumulong sa iba.

No comments