21-anyos na Estudyante, Napaluha sa Tuwa Nang Bigyan Siya ng Laptop ng Kanyang Dating Guro!




Online classes at modular learning ang naging paraan ng ating gobyerno upang mapagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral nang nasa loob lamang ng tahanan. Sinuguro ng ating pamahalaan ang kaligtasan ng bawat isa, kasama na rito ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Kaya't kung dati ay face-toface classes o sa paaralan nag-aaral ang mga estudyante, ay ngayo'y nasa bahay na lamang.




Isang estudyante naman ang lubos na napaiyak dahil sa tuwa nang makatanggap siya ng laptop mula sa dati nitong guro. Lumang cellphone lamang ang ginagamit niya sa pag-oonline class.

Dahil dito, naantig ang pusö ng kanyang dating guro kaya naman binigyan siya nito ng laptop. Kinilala ang estudyante na si Chrisken Simule, 21-anyos. Ayon kay Teacher Melanie R. Fugueroa, kaibigan ng kapatid ni Chrisken ang lumapit umano sa kanya upang humingi ng tulong para kay Chrisken.





Natanggal umano sa trabaho ang mga magulang ni Chrisken kaya naman, kulang ang kanilang pera para makabili ng bagong cellphone o laptop para sa kanyang online class. Nang bisitahin naman ng guro ang tahanan ni Chrisken ay nakita niya ang kalagayan nito at kung paano siya nakakapasok sa online class.

Si Chrisken ay gumagamit lamang ng lumang cellphone at nagtutungo sa kanilang kapitbahay upang makigamit ng Wi-Fi. Sa tuwing may mga pagsusulit o assignment si Chrisken ay nagtutungo din siya sa kanyang kapitbahay upang makigamit naman ng laptop.




Dahil sa suporta ng mga kaibigan ni Teacher Melanie at mga dating estudyante nito ay nakalikom siya ng P40,000 at ipinangbili ng laptop para kay Chrisken. Hindi naman napigilan ni Chrisken ang kanyang emosyon at lubos itong natuwa sa regalong natanggap niya.

Marami naman ang humanga sa malasakït ni Teacher Melanie. Saludo po kami sa inyong kabutihan. Sana ay marami pa ang katulad niyo.

No comments