84-Anyos na Ina, Pinalayas ng Kanyang Anak sa Sarili Nitong Bahay at Lupa!



Lahat ng pagsasakripisyo ay kayang gawin ng isang ina alang-alang para sa kanyang mga anak. Kahit ano mang pagsubok ang dumating ay tiyak na malalagpasan ito ng isang ina lalo na kung para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kaya naman, bilang sukli sa lahat ng ginagawa ng ina para sa ating mga anak ay marapat lamang na tayo naman ang gumawa ng paraan upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga ina.




Ngunit tila baliktad ang mundo ng isang 84-anyos na ina dahil imbis na alagaan at pagsilbihan siya ng kanyang anak ay pinalayas siya nio sa sarili nitong pamamahay at lupa.

Kamakailan lamang ay lumapit si Dana Baustista sa isang group page ng programang Raffy Tulfo in Actiön upang manawagan ng tulong dahil pinapalayas umano siya ng kanyang kapatid at maging ang kanilang ina.





Maging ang mga ari-arian ng kanilang ina ay inangkin na rin ng kanyang kapatid. Ayon kay Dana, pinatituluhan umano ng kanyang kapatid ang lupa ng kanyang ina ng walang pahintulot. Idedemandå din umano sila nito kapag hindi sila umalis ng kanyang ina.




Narito ang naturang post:

"Humihingi po kami ng tulong, ito ang aking nanay 84-years old na siya at may karamdamån. Dito siya sa akin nakatira ngayon, dahil pinalayas siya ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili niyang bahay at lupa. Pati itong kinatitirikan naming ay kinukuha pa rinat pinapalayas kami."

"Pinatituluhan niya ang lupa ng aking nanay na walang pahintulot ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili kong kapatid. Kami po ay idedemandå pa kapag hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano po ba ang dapat naming gawin?"

3 comments:

  1. Grabe Naman Yan anak mo nanay ipa tulfo nyo po Yan

    ReplyDelete
  2. Wag po kayong umalis puntahan ninyo agad si Sir Raffy tulfo hindi kayo pababayaan niya.mag ingat po kayo palagi God bless po

    ReplyDelete
  3. Pumunta kyo sa barangay at iulat lahat nangyari at kumuha kyo ng barangay protection

    ReplyDelete