Ama na Putol ang Isang Binti, Nagsususmikap na Mag-Trabaho para sa kanyang Pamilya


Isang Padre de Pamilya ang nagsusumikap buhayin ang kanyang pamilya kahit putol ang isa nitong binti.

Si Jerry ay mula sa Sultang Kudarat na kumakayod kahit putol ang kanang binti para maitaguyod ang kanyang Pamilya.

Ayon kay Jerry, mahirap ang iisa lang ang binti ngunit gagawin niya ang lahat para sa kanyang Pamilya at kahit anong trabaho ay gagawin nito basta kaya ng kanyang artificial na paa.


“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko.

Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko."
- saad ni Jerry.


Ayon pa kay Jerry, nabasag na umano ang kanyang artificial dahil sa tagal niya na itong ginagamit. Nireremedyuhan niya na lamang ito upang magamit sa pang araw-araw niyang trabaho.

Kahit hirap na ang putol na binti ni Jerry dahil nagpapaltos ito, tinitiis niya dahil wala siyang ipapakain sa kanyang mga anak.


"Yung artificial leg ko nabasag na siya sa katagalan.

‘Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos ‘yung gilid, nila-lock ko lang gamit ‘yung goma na galing sa gulong ng truck. Sira na talaga. ‘Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na. Nagsusugat na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin kaya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan.


Sobrang hirap.

Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko.”
- dagdag pa ni Jerry.

No comments