Dating Aktres na si G Toengi, Nakapagtapos sa Kanyang Master's Degree sa Amerika!



Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay para sa ating lahat. Ito ay ang bagay na hindi makukuha ng kahit na sinuman. Ang edukasyon din ay isang bagay na maipagmamalaki natin at maaari ring ibahagi sa iba.

Ngunit paano kung nauna tayo magtrabaho kaysa makapagtapos ng pag-aaral? Huli na ba ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral kung kumikita naman na sa pagtatrabaho?




Pinatunayan ito ng isang artista na ang pag-aaral ay hindi nagwawakas sa panahon o sa edad. Kilalanin si Giselle Toengi o mas kilala bilang 'G Toengi'.

Nakapagtapos lang naman ang dating aktres sa ibang bansa ng Master's Degree. Nito Hunyo 28 nang natapos niya ang Non-profit Management Master's Degree Program sa Antioch University sa Los Ageles, California.

Ipinagmalaki ng aktres ang ilang larawan niya sa kanyang instagram account sa kanyang panibagong academic achievement sa kanyang buhay.





Ibinahagi rin niya sa kanyang instagram account ang isang video ng kanilang virtual graduation ceremony ng kanilang paaralan. Inamin niya na hindi niya inaasahan at malaking hamon ito para sa kanya lalo na sa panaon ngayon ng may pand3mya.

"Graduate school in a pand3mic was certainly unexpected and challenging but somehow here we are.. We made it to the finish line."




Binati rin niya ang kapwa niyang nakapagtapos ng pag-aaral at pinasalamat niya ang kanyang pamilya dahil sa ibinigay nitong pagmamahal at suporta para sa kanya.

"Looking towards the horizon as I add this humbling milestone under my belt," ani ng aktres.

No comments