Guhit ng Larawan ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz na Naluluha, Viral Ngayon sa Social Media!
Marami ang nagbigay ng kanilang pasasalamat kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz nang magwagi sa Tokyo Olympics laban sa Kazakhstan at China nitong Hulyo 26. Matagumpay niyang naipanalo ang weightlifting 55 kg category at nakapagtala rin siya ng bagong Olympic record na 127 kg lift at total combined na 224 kg.
Viral naman ngayon ang isang larawan na iginuhit ng artist na si Eyd Soriano. Ayon sa ulat, ang art na ito ay bilang pasasalamat sa nakuhang gold medal ni Hidilyn.
Makikita sa guhit ang maluha-luhang larawan ni Hidilyn nang malaman niyang nanalo siya ng gold medal. Isang pride ang pagkapanalo ni Hidilyn sa naturang patimpalak. Kaya naman, marami ang sumaludo sa kanya.
Ayon pa sa ilang ulat, may suma-total na P58.5 million cash reward at iba pang incentives ang matatanggap ng weightlifter.
Kasalukuyang inaabangan si Hidilyn ng mga Pilipino galing sa Tokyo upang magbigay pugay sa kanyang karangalan na karangalan din ng bansa.
Hindi pa rin makapaniwala si Hidilyn sa natanggap niyang medalya. Nagpapasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Ang Pilipinas ay itinuturing na multi-medal dahil sa mga naipanalo ng ating mga pambato sa Tokyo Olympics 2021.
No comments