Isang Dakilang Ama, Masipag na Nagtatrabaho Habang Karga ang Kanyang Anak!



Lahat ay titiisin ng isang magulang alang-alang sa kapakanan ng kanilang anak. Kahit na anong hiråp ay pinipilit nilang malagpasan para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak. Katulad na lamang ng isang ama na hinangaan ng marami matapos na makitang matiyagang nagtatrabaho kahit na karga nito sa kanyang likuran ang kanyang anak.




Nag-viral ang larawan ng isang ama na kinilalang si Vinz Manalo dahil sa pagiging isang dakilang ama nito sa kanyang sanggol na anak.

Ibinahagi niya sa kanyang social media acoount ang ilang larawan kung paano siya nagtatrabaho habang nag-aalaga ng anak. Tinitiis niya ang lahat para may pangbili umano siya ng gatas ng kanyang anak. Suot ang kanyang apron, ay makikita kung paano binuhat ni Vinz ang isang malaki at mabigat na kaldero habang nasa likod niya at karga ang anak.





Dahil dito ay labis siyag hinangaan ng mga netizens at napabilib sa pagiging dakilang ama nito sa kanyang anak.Ayon sa ulat, isang misyonero si Vinz at nagtatrabaho sa isang Adventist Hospital sa Palawan, Puerto Prinsesa. Umulan naman ng samut-saring reaksyon ang kanyang mga larawan.

Ayon sa kanyang caption, "Kapit lang anak ko... kailangan lang talaga magtrabaho ng papa mo para may pambili ng gatas mo."




Hindi naman maiwasan ng marami ang magtanong kung nasaan ang ina ng kanyang anak at kung bakit hindi siya ang nag-aalaga. Gayunpaman, isang inspirasyon si Vinz sa marami na kahit ano mang pagsubok ang dumating sa ating buhay ay malalagpasan antin ito basta may pagtitiyaga lalo na para sa kapakanan mga anak.

No comments