Isang OFW, Nanlumo Nang Makita ang Nangyari sa Bahay na Ilang Taon Niyang Pinag-ipunan!



Marami sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya at magkaroon ng sariling bahay. Isa na lamang dito ang OFW na si Sally Niesalie Asuncion.

Ngunit isang nakakalungkot na pangyayari ang hindi niya inaasahan dahil ang ipinapagawa niyang bahay ay nasirå at gumuho.




Ilang taon umanong pinag-ipunan ni Sally ang bahay na ipinapatayo niya sa Barangay Yeban Norte, Isabela kaya naman lubos ang kanyang panlulumo sa nangyari. Si Selly ay single mom na nagtatrabaho sa ibang bansa upang makapagpundar ng sariling bahay sa kanyang hometown.

Subalit, sa kasamaång palad, hindi pa niya ito mauuwian at matitïrahan dahil nasirå ito nang gumuho ang lupa na kinatatayuan ng kanyang bahay.





"Ayaw ko sanang ipost pero nakakalungkot. Kahiråp bumangon kapag 'yung mga magpundar mong pinaghiråpan galing abroad ganito nangyari. Nasa kalagitnaan pa lang ng pagtatrabaho pero ganito na. Nakapabobida at tiles nakapabakod na din na kung baga, bahay na talaga pwedeng ipagmalakig bahay na," malungko na sanaysay ni Sally sa kanyang facebook post.

Hindi na maaaring marenovate ang kanyang bahay dahil ayon sa eksperto at Locol Government, hindi na ligtas pang tayuan ng bahay ang area na ito dahil malambot ang lupa. Kaya wala ng ibang pagpipilian si Sally at iba pang mga residente doon kung hindi maghanap ng bagong matitïrhan.




Labis man ang panghihinayang ni Sally sa gumuhong bahay lalo na at ilang taon niya itong pinag-ipunan ay nagpapasalamat pa rin siya dahil walang masamång nangyari sa kanyang pamilya. Magpapatuloy pa rin umano siya sa pagkayod para sa kinabukasan ng kanyang anak.

"'Di na marerenovate kelan man kasi mga lupa bumuka inangat at 'di na pantay. 'Di na pwedeng tirhan. Buti na lang wala pang ulan baka 'pag meron lalo na. Sa mga nagtatanong hindi landslide. Bumuka ang lupa sa kabahayan na kumonekta na din daw sa bundok kaya may landslide konti."

No comments