Isang Security Guard na Dose-Oras Nang Naka-duty, Napilitang Kumain Habang Nakatayo Matapos Hindi Bigyan ng Lunch Break!



Tungkulin ng mga guwardiya na mabigyan ng seguridad ang mga tao sa lugar na kanilang pinapasukan. Kinakailangan nilang maging alisto sa bawat oras at dapat ay maging mapagmasid sa paligid. Tungkulin din nilang mabigyan ng proteksyon ang buhay ng tao, mga ari-arian sa isang establisyamento at mapayapa at maayos na nasasakupan.




Ang mga guwardiya ay tao din na nangangailangan ng pahinga lalo na at mahirap ang kanilang trabaho dahil matagal silang nakatayo.

May mga karapatan din ang mga empleyado sa bawat establisyamento na mabigyan ng sapat na oras upang kumain at makapagpahinga. Mahalaga na para sa isang guwardiya ang magkaroon ng oras para sa kanilang sarili, makakain at makapagpahinga ng kahit sandaling oras.





Ang bawat empleyado ay may tinatawag a "breaktime" na dapat ay mayroon din ang isang guwardiya na ito. Ang larawan ng guwardiya na ito ay mabilis na kumalat sa social media. Makikita sa larawan kung paano kumakain ang guwardiya habang nakatayo.




Narito naman ang naturang post:

"Real life tayo… ayan si kuya.. napatulo luha ko habang pinagmamasdan ko siya kumakain?"

"Sobrang awa naramdaman ko sa kanya kasi ito ang rason. Naawa ako at nasasåktan."

"Nag-iisip na sana bigyan naman ng kaunting oras para kakain ng maayos."

"Oras ng pagkain, trabaho pa din kahit man sana 15 min break for lunch di ba?"

"Saludo ako sayo kuya. Mabuhay ang mga nag hahanap buhay ng marangal"

No comments